Inamin ng aktres na si Sunshine Cruz na pinagsisisihan niya ang pagiging sexy star noon sa mga pelikula dahil malaki ang naging epekto nito sa relasyon nila ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano.
Sa episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda' ay deretsahang tinanong ng host si Sunshine kung may regret ba ito kaugany sa paggawa ng mga sexy movies noon.
Ayon sa aktres, pinagsisisihan niya ito dahil naging malaking parte ito ng paghihiwalay nila ng aktor na si Cesar.
"There was a time na ni-regret ko 'yun especially naging malaking parte 'yun ng aming separation ng aking ex-husband but at the end of the day mas naging stronger ako."
"Mas natuto ako and ang ginawa ko lang, Tito Boy, ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star."
Gayunpaman, ibinahagi niya na ang kanyang mga karanasan ay naging motibasyon niya upang maging mas matatag na babae.
"I can also be a singer. I can be an actress and most especially I am a good mom. Lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon noong mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon," aniya.
Natanong din ni Tito Boy kung alin sa love, trust at respect ang nawala sa relasyon ni Sunshine kina Cesar at Macky kung bakit sila naghiwalay.
Tugon naman ni Sunshine, pagkawala ng tiwala ang dahilan sa pakikipaghiwalay niya kina Cesar at Macky.
"Of course when I was with Cesar, I wanted to grow old with him. Gusto ko nga hanggang pagtanda ko siya na. Ganoon din with Macky. After Cesar, I waited. Actually dumating na lang 'yan, hindi ko naman inaasahan, almost four years separated ako kay Cesar noong dumating si Macky. I wanted to grow old with him as well," aniya.
"Pero kahit magplano tayo sa buhay natin, pero kung hindi talaga 'yun ang destiny, hindi mangyayari," turan niya.
Sa kabila naman ng kanilang paghihiwalay ni Cesar ay naging maayos na rin ang kanilang samahan sa kasalukuyan. Sa katunayan ay nagkakasundo ang kanilang mga pamilya ni Cesar.
Panoorin ang buong panayam.
No comments:
Post a Comment