"Kabit, nang-agaw, nang-ahas, nanloko, homewrecker, magdalenang mababa ang lipad..." ilan lamang 'yan sa mga masasakit na salitang natatanggap ng aktres na si AJ Raval matapos nilang maging 'IG official' noong Araw ng mga Puso.
Hindi na kinaya ni AJ ang mga ibinabato sa kanya ng mga netizens sa comments section ng kanyang mga post kaya't pumatol na ito sa ilan.
Tumugon ito sa isang nagkomento ng, "isa pa din tong kabit mang aagaw parang walang lalaki sa mundo hahaha alam nya may familya si A pinatolan din."
Ani AJ dito: "Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. kaya wala kang karapatan sabihin sa akin yan. Bakit hindi nyo na lang i research or hanapin kung sino ba talaga nanira? bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness God bless you and you Family."
Basahin: IG Official? AJ Raval, Aljur Abrenica kinumpirmang may relasyon na sila; netizens kunwari nagulat
Tumugon din ito sa isa pang netizen, "May asawa ba? hiwalay LITERAL na hiwalay uulitin ko HIWALAY LITERAL NA HIWALAY.. So pag si Aljur nakaron ng partner kasalanan na? Pag si kylie nagkaroon ng partner deserve nya maging masaya? e pareho lang naman sila…"
Mayroon ding nagsabi na panay deny pa umano si AJ noong una, aamin din pala. Dagdag pa nito, "balikbaliktarin mo man kabit Ka pa rin Kasi kasal c Kylie at aljur hahaha."
Sagot dito ni AJ, "Matapang kong hinarap yan inamin namin yan at walang nag deny, kung nag play safe or nag sinungaling rin kami noon edi sana safe na safe rin kami ngayon… that time totoo naman na ligawan stage kami at last year July 17 2022 lang naging official. so anong problema mo saamin? Anong deny ang sinasabi mo? Mabuti ang intention ko wala akong masamang hangarin… at hindi ko kayang manakit ng kapwa ko tao walang katotohanan yang sinasabi mo."
Sa bugso marahil ng damdamin ay ibinahagi ni AJ ang screenshot ng kanilang convo ni Kylie ngunit deleted na ito ngayon. Maagap namang nakapag-screenshot ang netizens at kumalat ito sa social media.
Sa convo ay mababasa ang mga sumusunod:
"Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli sa amin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine." - AJ
"Ok naman ikaw? It's fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay." - Kylie
Humingi rin ito ng paumanhin kay Kylie at nagpasalamat sa pag-unawa ng huli.
Huling mababasa sa convo nila ang pasasalamat din ni Kylie sa pag-aalaga nto sa mga anak nila ni Aljur. Anito, Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Baka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag isip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila."
Ok naman na pala sila.
No comments:
Post a Comment