Emosyonal si Anne Curtis nang makumpleto nito ang Tokyo marathon; na ginagawa bilang suporta sa mga batang biktima ng pang-aabuso, karahasan, at pagsasamantala.
Ibinahagi ng aktres sa Instagram na sulit ang bawat kilometrong takbo sa Tokyo marathon dahil ginawa niya ito para sa isang mabuting layunin.
Si Anne ay isang celebrity ambassador ng Unicef, isang organisasyon sa ilalim ng United Nations na nagbibigay ng humanitarian at developmental na suporta para sa mga kabataan sa mundo.

"Being a mother, now as well, I couldn't help but get emotional when I crossed that finish line. It just hit a little differently this time around. Running with a purpose bigger than just receiving a medal kept me fueled," sabi niya sa caption.
Ibinunyag din ng aktres na humigit-kumulang walong linggo lang siyang nag-training sa tulong ng sports scientist na si Gabb Rosario. Pinasalamatan din niya ang United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) Philippines at ang kanyang mga mahal sa buhay sa suporta.
"Thank you to my coach, @gabbrosario, for taking on the impossible challenge of just 8 weeks to [prepare] me. The whole @unicefph team who helped me set the fundraiser up and educated me on the whole set up of telecpus in [barangays] all across the Philippines," dagdag pa niya.
Ibinahagi din ng celebrity mom ang mga sulyap sa kanyang karanasan bilang kalahok sa Tokyo Marathon, kung saan nagsuot siya ng light blue na tracksuit na hango sa kulay ng humanitarian agency.

Ang asawa ni Anne na si Erwan Heussaff ay nag-post ng screenshot ng tila mapa ng itinakbo ni Anne. "Done and dusted," anito.
Bumati naman ang mga kapwa celebrities na sina Pia Wurtzbach, Vhong Navarro, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Luis Manzano, at Dingdong Dantes, gayundin ng kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, journalist Edson Guido, at photographer na si BJ Pascual sa kamakailang milestone ng aktres.
Binati rin naman ni Gabb si Anne sa naging progreso nito sa pagkumpleto niya ng Tokyo marathon sa loob ng apat na oras at 50 minuto, gaya ng makikita sa kanyang Instagram account. Ibinahagi rin niya ang isang rundown kung paano niya tinulungan ang aktres na maghanda para sa naturang event.

"I trained @annecurtissmith for a total of [two] months coming from zero running from the past [three] years with a 5k pace of eight to nine-minute/km at zone 5 to having a zone 2 run of [seven minutes] per km to getting a PR with a pace of 6:43min/km (i yet to see the data from this to see how much effort she exerted in the race or maybe she could have pushed more)," saad ni Gabb.
Ayon sa sports scientist, kabilang sa mga programa sa pagsasanay ni Anne ay ang heart rate zones training, energy system periodization, strength and conditioning work, cross training sa iba pang sports, at pamamahala ng isang iniresetang diyeta.
"For the whole [two] months there were ZERO Injuries nor pain in every training session. The first 4 weeks consisted of a lot of easy aerobic work with a mix of easy speed play progressing to harder intervals and very specifically planned long runs that includes specific bpm ranges for every kilometer," dagdag pa nito.
Congrats, Anne!
No comments:
Post a Comment