Sumikat nang husto sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra ang tambalan nina David Licauco at Barbie Forteza na Filay o ang pinagsamang pangalan ng mga karakter na ginagampanan nila sa nasabing serye na Fidel at Klay.
Pero alam kaya ng fans nila na nagkasama na sina David at Barbie anim na taon bago ang hit television series?
Sa Instagram, ibinahagi ng Sparkle ang litrato nina David at Barbie sa isang audition. Makikita na nakaakbay pa si David sa aktres na magiging unexpected onscreen partner pala niya pagkalipas ng ilang taon.

May mga napaisip tuloy kung paano kaya kung noon pa man ay napansin na ang chemistry nila at sa kalaunan ay nagkamabutihan sa tunay na buhay. May mga nagsabi rin na ang larawang ito ang kanilang "biggest what if".
Samantala, ayon sa ilang fans, wala nang dapat panghinayangan dahil kapwa na sila masaya sa kanya-kanya nilang istorya.
Tambalang 'Filay'
Sa gitna ng popularidad ng tambalang Filay, nakapanayam ng beteranong host na si Boy "Tito Boy" Abunda ang dalawa bago pa magwakas ang kanilang hit television program.

Isa sa mga tanong ni Tito Boy na kinakiligan ng madla ay kung posible kayang mauwi sa totohanan ang lahat kung walang kasintahan si Barbie na ngayon ay karelasyon ang isa pang Kapuso actor na si Jak Roberto. Ang "hypothetical question" na ibinato ni Tito Boy kay David, liligawan ba nito si Barbie kung nagkataong pareho silang single.
"I like smart, go-getter na babae, cute girls, simple lang," tugon ng aktor. "Gano'n si Barbie."
Dahil hindi naging malinaw kung "yes" o "no" ang tugon ni David, kinulit siya ni Barbie kung ano at sinabi naman nito na oo.
[RELATED – David Licauco liligawan ba ang ka-love team na si Barbie kung wala itong kasintahan?]
Pagkatapos ni David, tinanong naman ni Tito Boy si Barbie kung sasagutin ba naman nito si David kung sakaling hindi sila magkarelasyon ni Jak.

Tugon ng aktres, "Siguro 'pag mas nakilala ko pa siya deeper. 'Pag naging close siya sa family ko and all."
"'Yong talagang 'pag nalaman kung paano siya manligaw, maybe I'll have answer then. But now we're really good friends," pagpapatuloy pa ni Barbie.
No comments:
Post a Comment