[New post] Julia Barretto, kinagiliwan ng netizen sa kanyang pag-awit at paggitara
Yuna posted: "Trending ngayon sa TikTok world ang video ng aktres na si Julia Barretto na umaawit ng kantang 'Torete' habang naggigitara. Isang TikTok user na si Janeyyy3 ang nag-post nito kamakailan, at ang video ay nakakuha na ng higit sa 70,000 views sa nasabing " Definitely Filipino News
Trending ngayon sa TikTok world ang video ng aktres na si Julia Barretto na umaawit ng kantang 'Torete' habang naggigitara.
Isang TikTok user na si Janeyyy3 ang nag-post nito kamakailan, at ang video ay nakakuha na ng higit sa 70,000 views sa nasabing platform.
"Eto nga pala un sinayang nyo ABSCBN. dapat si julia barretto na lng binigyan ng big break. umalis ng abscbn ng walang sinasabi hindi maganda sa station," ayon sa caption ng uploader.
(I-click ang imahe para mapanood ang video)
Maraming netizens naman ang pumuri sa kanya. Hindi lang maganda at magaling sa pag-arte; marunong din pala ang aktres na gumamit ng gitara.
"She plays guitar pala!!"
"She really has a good heart"
"Sana naman binigyan ng tamang chords hehehe," puna naman ng isa.
"Napakaganda talaga neto "
"She deserves the world."
May mga ilan namang nagcomments at sinabing binigyan naman talaga si Julia ng break sa ABS_CBN, "di naman sinayang kasi nagkaroon s'ya ng magandang break sa kanila and we don't know the reason bat nag viva."
"Si Julia naman talaga unang binigyan ng break kaya lang hindi kinagat ng mga tao. But she's really talented talaga."
"Huh? 'di binigyan ng big break? naka-ilang teleserye siya na siya ang lead star, same with star cinema movies "
"Ito sana binibigyan ng break, never man siya kinampihan ng ABS esp if may issue about sa kanya pero never siya nagsalita against sa kanila."
Matatandaang noong nakaraang taon ay nag-viral ang Happy Birthday song ni Julia habang naghuhugas ng kamay.
"Wash your hands. Do the happy birthday challenge," aniya sa video caption. Pagpapaalala nga lang ba ito ng tamang paghuhugas ng kamay?
"Guys!!! Yes yes ang tubig! Oh my! (emoji) Only for this video, di na mauulit!!! Tama save water. Thank you! " (emojis)
Inirekomenda ng mga health authorities na kasinghaba ng pag-awit ng "Happy Birthday" ang tamang paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon habang nakasahod sa tumutulong tubig.
Sa mga nakalilimot, marahil ay ito ang magpapaalala na ugaliin nating maghugas ng kamay upang mapanatili ang kalusugan at kalinisan.
Agaw-pansin naman talaga ang ganitong video ng pagpapaalala ni Julia. hahaha
Turan ng ilan sa comments section, napaka-sosyal daw at yayamanin ang paghuhugas niya ng mga kamay.
Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime
Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.
Learn how to build your website with our video tutorials on YouTube.
Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110
No comments:
Post a Comment