Binati ni Julia Barretto ng isang simple ngunit matamis na mensahe ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson na ngayon ay 34 taong gulang na.
Sa kanyang Instagram account, nag-upload ito ng mga larawan na magkasama sila sa France.
"Happy birthday my love. My best friend and partner in life. I thank God for you everyday
," saad ng aktres sa kanyang post.

Kasama sa post ang ilan sa kanilang mga larawan sa Paris at ang isa ay kasama ang sikat na Eiffel Tower sa background.
Binati rin ni Marjorie Barretto, ina ni Julia, ang aktor, "Happy Birthday, Ge!!! Have a great year ahead! We love you," na mababasa sa comments section.
Pati rin ang ama ni Gerald ay nagkomento sa post ni Julia at nagpapasalamat sa pagmamahal na ibinibigay sa anak nito.
"Sweetheart Julia, thank you for loving my son. You are so beautiful with a heart. We love you!" komento ng ama ng aktor.
"Happy birthday son, enjoy your trip. We love you both," bati muli nito.

Ipinagdiwang ng Kapamilya actor kanyang 34th birthday noong Marso 7 kasama si Julia Barretto sa Paris. Ibinahagi niya ang ilang mga pasilip sa kanilang bakasyon sa Paris.
Samantala, nagbahagi rin si Gerald sa social media ng pasasalamat sa kanyang mga tagahanga at mga nagmamahal sa kanya.
"34!! Im just getting started . Thank you for all the love," isinulat ng aktor sa kanyang post.
Basahin: Julia Barretto denies breakup with Gerald Anderson, 'I do feel safe in this relationship'

Kamakailan, sa isang panayam kay Boy Abunda ay sinabi Julia na handa na siyang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.
"I always tell him how lucky I feel that I'm with somebody who can guide me just in life in general, who can ground me, who can put sense in my head and I can talk to him about anything and he puts everything into perspective for me," wika ng aktres.
No comments:
Post a Comment