Ipinagmamalaking ibinahagi ng aktres na si Marian Rivera ang tagumpay ng anak na si Zia Dantes nang makatanggap ito ng medalya sa swimming competition.
Sa Instagram stories, nag-upload ng larawan si Marian ng anak habang hawak ang gintong medalya.
"So proud of you, mahal. 


," saad ng clebrity mom sa kanyang IG story.

Nagpasalamat rin si Marian sa coach ni Zia, "Salamat coach, @swimcoachangelo".
Kaya naman hindi maitatanggi na bukod sa pagiging magandang bata, magaling mag-piano, sumayaw at kumanta, may talento rin pala ito sa paglangoy.
Regular na gumugugol umano ng oras ang pamilya ni Marian at Dingdong Dantes sa swimming pool tuwing long at regular weekends.

"Sometimes all we have to do is pause, take a step back and see things from a different perspective. With HIS guidance, things will definitely become clearer.
Happy weekend, everyone!" saad naman ng Kapuso actor sa kanyang IG.
Matatandaang noong nakaraan taon, isa sa highlights ng selebrasyon ng ika-38 kaarawan ni Kapuso Primetime Queen ay ang espesyal na mga kantang inialay sa kanya ng dalawang anak na sina Zia at Ziggy.
Ang celebrity mom ay ipinagdiwang ang kanyang espesyal na araw sa pamamagitan ng isang masayang birthday party, na dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan pati na rin ng ilang kapwa celebrities.

Sa Facebook, ibinahagi ni Marian ang video clip ng kanyang panganay na si Zia na kumakanta para sa kanya at sa kanilang mga bisita.
Aniya sa kanyang post, "Kahit maputi na ang buhok ko" by Ate Zia. I Love you Ate Z"
Ang tatlong taong gulang na si Ziggy naman ay umawit ng "Can't Help Falling in Love" ni Elvis Presley sa nasabing party.
"Most supportive and proud ate," saad naman sa FB post ni Marian sa video ni Ziggy. Kitang kita kasi ang kasiyahan at pride sa Ate Zia.
Noong Disyembre 2014, ikinasal sina Dingdong at Marian sa isang magandang church wedding at nabiyayaan na ng dalawang adorable na anak.
No comments:
Post a Comment