Isa na yata sa mga kontrobersyal na celebrity pagdating sa kaniyang buhay-pag-ibig na talaga namang lumikha ng ingay at naging laman pa ng iba't ibang memes, ay si Kapuso actor Paolo Contis.
Matatandaang ginulat ni Paolo ang kanilang mga tagahanga ng dating partner na si LJ Reyes matapos nilang amining hiwalay na sila, at ang itinuturong dahilan ay si Kapamilya actress Yen Santos, na naging katambal ng aktor sa pelikulang "A Faraway Land" na napanood sa online streaming platform na Netflix.

Sa kasagsagan ng isyu noon, sinabi ni Paolo na huwag sanang idamay si Yen sa naging hiwalayan nila ni LJ, at kaya lamang sila naispatang magkasama sa Baguio ay bilang magkaibigan o "as a friend."
Ngunit tila hindi naman ito pinaniwalaan ng netizenS, at kumbinsido silang higit pa sa magkaibigan ang ugnayan ng dalawa.
Noong Pebrero 2023, inamin na rin ni Paolo ang tunay na estado sa pagitan nila ni Yen, sa "Fast Talk with Boy Abunda" sa GMA Network. Subalit ayon sa ulat ng Balita, muling iginiit ng aktor na labas si Yen sa mga naging issues nila ni LJ, na humantong na nga sa paghihiwalay nila ng mga landas. Sa kasalukuyan, nasa Amerika si LJ kasama ang anak nilang si Summer, at ang anak nitong panganay sa aktor na si Paulo Avelino.
Kaya naman, "naloka" ang mga nakapanood na netizen sa "Just In" ng GMA Sparkle sa YouTube channel nito, nang banggitin ni Paolo na naranasan na niyang mahuling may ibang lalaki ang isa sa kaniyang mga naging ex-girlfriend.
"Nangyari sa akin iyan. Nagbakasyon 'yong isa sa mga girlfriend ko dati, tapos umuwi," paglalahad ni Paolo kausap ang guests na sina Royce Cabrera at Kokoy De Santos.

"Nagpadala ngayon ng photo album 'yong lalaki, parang regalo. Pagbukas ko, hindi siguro alam ng lalaki na ako 'yong magre-receive ng package. Pagbukas ko pucha, puro pictures nila na ano… sunset, naghahalikan."
Hindi raw ito pinalampas ni Paolo at kaagad na inuntag ang kaniyang di-pinangalanang ex-girlfriend. Katwiran daw nito, photographer daw ang lalaking nagpadala sa kaniya ng photo album. Hindi naman bumenta kay Paolo ang "palusot" nito, sabi sa ulat ng Balita.
"Nag-alibi sa picture, hayun nalaos," dagdag pa.

Ayon sa Manila Bulletin, ang celebrities na ex naman ni Paolo ay sina Desiree Del Valle, Nancy Castiglione, Isabel Oli, Lian Paz, at LJ Reyes.
Ang tanong, sino nga ba sa mga nabanggit na ex ang tinutukoy niya sa kaniyang blind item?
No comments:
Post a Comment