Nag-post ng isang madamdaming mensahe ang aktor na si Ruru Madrid para sa kaarawan ng kanyang kasintahang si Bianca Umali na ngayon ay 23 taong gulang na.
Sa Instagram, nag-upload ito ng mga larawan at ilang vid clips na magkasama ang dalawa at inihayag ang pagmamahal sa dalaga.
"Araw-araw ipagpapasalamat ko sa Panginoon na ikaw ang binigay niya sa akin.

Ani Ruru, araw-araw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos na hanggang ngayon ay magkasama sila ng aktres.
"Araw-araw pipiliin kong mabuhay dahil ikaw ang makakasama ko.
"Araw-araw di ako magsasawang sabihin sayo kung gaano ako kapalad na ikaw ay sa akin at ako ay sa iyo.
"Araw-araw ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.
"Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao dahil sa husay at galing mo," aniya.

"Araw-araw ittrato kita bilang Reyna ng buhay ko.
"Araw-araw sasabihin ko sayo na Mahal kita.
"Maligayang kaarawan Mahal ko ," mensahe ng aktor na tinag si Bianca.
Nagkomento naman ang aktres sa post ni Ruru, "Mahal na mahal kita, mahal ko," na may kalakip na heart emojis.
Samantala, sa kaarawan ni Bianca ay nag-post rin siya ng maiksing video na nagbo-blow ng birthday cake.
"est. March 2, 2000," simpleng caption sa kanyang post.

Basahin: Bianca sa kasintahang si Ruru: 'Huwag kang mawawala sa akin kasi hindi ko kaya'
Kamakailan ay labis na nagpapasalamat ang aktres sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang boyfriend.
"Thank you kasi alam mo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Maraming panahon na pakiramdam ko mag-isa lang ako pero yung kamay mo nandiyan para meron akong hinahawakan at kinakapitan. Sa sinabi mo na hindi mo masusuklian man ang lahat, hindi ko hinihingi na suklian," aniya.
"Ang sa akin lang, diyan ka lang sa tabi ko, huwag kang mawawala sa akin, kasi hindi ko kaya. And hindi ako mapapagod na yakapin at hawakan din ang kamay mo sa lahat na pagkakataon na kailangan mo ako," pagpapatuloy ng aktres.
No comments:
Post a Comment