Proud mom ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa anak na si Alexandria Athena na nakatanggap ng award mula sa kaniyang eskwelahan kamakailan.
Sa isang Instagram post ay sinabi ni Rufa Mae na masaya siya sa regalong natanggap mula sa anak habang nasa Pilipinas siya para magtrabaho.
"Ito ang pinaka magandang regalo na binigay mo sa amin ng daddy mo @trevvvsilog. Sulit ang pag aalaga namin at pagpapalaki sayo. Congratulations for being the Saint Award Noteworthy Learners. Pati sa lahat ng kinder- grade 8," aniya sa post.
"Salamat sa buong school, mga teachers, and classmates. Higit sa lahat, sa Diyos."
Inamin din ni Rufa na tuwing napapanood niya ang video ng pagtanggap ng anak ng award ay hindi niya maiwasang maiyak lalo na at madalas ay hindi niya nakakasama ang anak dahil kailangan niyang magtrabaho.
"Every time pinapanood ko ang video na ito, naiiyak ako. Miss kita dahil parati ako out of the country or out of town, kaka todo na tour. Hinde ako sanay na di kita makasama at makatabi sa gabi pag tulog ko," sabi ni Rufa Mae.
"Di ko na sya kasama pero masaya ako sa naging decision naming mag asawa na mag focus sya sa school. Salamat Dada for being in charge. For letting all of us fly to the highest level . Supportive family and brainy haha. Matalino sila. Amen."
Sa hiwalay na post ay muling nagbahagi si Rufa Mae ng mga larawan ng anak. Aniya, lalo silang ginanahan ng asawa na magsikap para sa edukasyon ni Alexandria Athena.
"Grabe, I'm so proud of her. Lahat ng ng Alaga, turo namin ng Dad nya worth it. Mas gaganahan pa kaming Lalo mag sumikap para sa iyong education. Sarap ng feeling mga friends! Go go go ! Todo na to! Kaya Salamat FFF HOORAY. Help help hooray!"
No comments:
Post a Comment