Inamin ni Maui Taylor na kahit hiwalay na sila ng ama ng kaniyang mga anak ay magkasama pa rin sila sa iisang bubong.
Ayon sa dating Viva Hot Babes, ginawa nila ang arrangement na ito para sa mga bata dahil ayaw nilang paghiwalayin sila.
"We are in the same house. It's co-parenting. I know puwedeng mag-co-parent in separate houses. Pero kasi 'yung panganay kasi is very close to me. 'Yung bunso naman sa kaniya," paliwanag ni Maui sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kamakailan.
Minsan daw kasi ay tinanong niya ang mga bata kung sasama ito sa kaniya kapag bumili siya ng bagong bahay.
"Because nagtatanong ako eh sa panganay. 'Mommy is gonna buy a new house. Are you gonna come with me?' 'Oh yes mommy I'm gonna go with you.' Kumbaga si panganay, sasama at sasama talaga sa akin. 'Yung bunso, wala, sa daddy niya," wika pa ng aktres.
Sa kabila ng kanilang set-up, may usapan umano sila ng kaniyang dating partner na hindi muna magdadala ng kani-kanilang karelasyon sa bahay upang hindi malito ang kanilang mga anak.
Inilahad din ni Maui kay Tito Boy ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kaniyang dating kinakasama.
Noong Enero ay una nang inamin ni Maui sa isang panayam na hiwalay na nga sila ng kaniyang partner subalit magkasama pa rin sila sa bahay bagama't magkahiwalay sila ng kuwartong tinutulugan.
Matagal na raw silang hindi nag-uusap pero co-parenting ang setup nila at walang pakialamanan sa isa't-isa.
Sa harap naman umano ng mga bata ay sinusubukan nilang kumilos nang normal. Sabay-sabay naman daw silang kumakain at kahit paano ay nag-uusap kahit 'small talk' lang.
Inamin din ni Maui na malabo na silang magkabalikan pa dahil siya mismo ay ayaw na talaga.
Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Tito Boy kay Maui Taylor:
No comments:
Post a Comment