May reaksyon si Ogie Diaz sa mga bumabatikos kay Kiray Celis dahil sa pagbigay ng komedyante ng tumataginting na isang milyong piso sa kaniyang nanay dahil birthday nito kamakailan.
Umani kasi ng samut-saring komento sa social media ang video na ibinahagi ni Kiray kung saan mapapanood dito na sinurpresa niya ang kaniyang nanay ng P1-M cash bilang regalo.
Bagama't may mga pumuri sa kaniyang hindi matatawarang pagmamahal sa pamilya, mayroon namang bumatikos dahil mistula umanong 'for the content' lang ang ginawa ng dating 'Goin Bulilit' star.
Isa ito sa mga napag-usapan nina Ogie at ng kaniyang mga co-host sa 'Ogie Diaz Showbiz Update' na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh nitong weekend.
Ayon kay Papa Ogie, kilala niya si Kiray na talagang masinop at mapagmahal sa kaniyang pamilya batay na rin sa mga dating panayam niya dito.
Minsan pa nga raw ay nabanggit ng komedyante noon na ibibigay niya ang lahat para sa pamilya dahil alam niya ang mga sakripisyo nito para sa kanila.
Bukod dito, talaga naman daw na very supportive sa kaniya ang mga magulang ni Kiray lalo na sa mga raket nito.
Kaya nagpaabot ng mensahe si Papa Ogie kay Kiray dahil sa mga bumabatikos sa ginawa nitong pagpapakita sa video ng perang iniregalo niya sa kaniyang nanay.
"Kahit sinasabi ng iba na yung pagreregalo ni Kiray ng one million pesos sa kaarawan ng kanyang nanay ay for the content only," wika ng talent manager.
"Hayaan mo sila, Kiray, kung anong gusto nilang isipin. Ang importante, wala silang 1M… ikaw meron," payo pa ni Ogie.
Ganun pa man, sana raw ay maging handa rin si Kiray sa maaaring mangyari lalo pa't marami ang nag-aalala dahil ipinakita mismo niya ang cash sa social media kung saan napanood ito ng napakaraming tao.
Sana raw ay ginaya na lang niya ang ibang mga vlogger na tseke ang ipinakikita sa vlogs upang hindi mapag-interesan.
BASAHIN: Birthday gift ni Kiray sa kaniyang nanay, tumataginting na P1-M cash
Panoorin ang buong huntahan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa:
No comments:
Post a Comment