Sa gitna ng mga bulung-bulungan tungkol sa kaniyang posibleng paglipat sa ibang network, pinatunayan ni Enrique Gil ang kaniyang pagiging tapat sa ABS-CBN kung saan siya nakilala at sumikat bilang artista.
Matatandaang naging tahimik ang career ni Enrique nitong nagdaang tatlong taon at wala itong naging proyekto simula nang magkaroon ng pandemya.

Halos sabay rin silang pansamantalang nawala sa limelight ng kaniyang kapareha at kasintahang si Liza Soberano na kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan dahil sa kaniyang mga binitawang salita tungkol sa kaniyang pinagdaanan noon sa showbiz na naging dahilan umano para hanapin niya ang kaniyang sarili.
Si Liza, na nais ngayong makilala bilang si Hope Soberano, ay nakikipagsapalaran sa kasalukuyan sa US sa ilalim ng management ng Careless na pag-aari ni James Reid.
BASAHIN: Matapos ang Hollywood debut, Liza Soberano endorser na ng isang Korean brand

Samantala, nitong Martes naman, Abril 25 ay napabalitang lumagda muli si Enrique Gil ng exclusive contract sa Kapamilya network.
Ayon sa ulat ng AB-CBN News, dumalo rin sa contract signing ng 31-anyos na aktor ang kaniyang manager na si Ranvel Rufino at ilang executives ng ABS-CBN na kinabibilangan nina Chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iba pa.
Malaki naman ang pasasalamat ni Enrique na sinalubong pa umano ng flash mob sa executive lobby ELJ Building.

"Maraming-maraming salamat guys for this very warm welcome. From the bottom of my heart, thank you, thank you guys so much. I am back, baby! Here we go!," ani Enrique. "I am really excited to coming back and starting a new path. I am really excited to doing something I've never done before. So hopefully guys watch out for that."
Pinasalamatan niya rin ang mga executives ng ABS-CBN dahil sa tiwalang muling ibinigay sa kaniya.

"To all the bosses here, you know this has always been my home and I am really, really glad to be back home. I'm missing all these faces, it's been a long time. Thank you guys so much. I love you all and excited. Yeah, let's do it. Thank you," wika nito.
Samantala, ayon sa kaniyang manager na si Ranvel, dalawang taon ang kanilang pinirmahang kontrata sa ABS-CBN at kasama rito ang paggawa ng isang teleserye at isang pelikula.
Panoorin:
No comments:
Post a Comment