Ibinahagi ni Kim Chiu sa kaniyang mga kasamahan sa 'It's Showtime' na isa sa naging panata niya ay ang pagro-rosaryo araw-araw.
Napag-usapan kasi sa naturang noontime show ang kani-kanilang panata tuwing Mahal na Araw at isa-isa namang nagbahagi ang mga host na pinangunahan ni Vice Ganda.
Para kay Kim, itinuturing niyang 'greatest weapon' ang pagrorosaryo laban sa araw-araw na pagsubok na kaniyang nakakaharap at pinagdadaanan.
"Araw-araw talaga ako nagrorosaryo. Sa dami ng pinagdadaanan mo sa buhay, 'pag may hawak ka talagang rosary, hindi ka talaga bibitawan ng Panginoon. 'Yun iyong nakakaiyak," kuwento ng Kapamilya actress habang pinipigilang maluha.
"Iyon ang greatest weapon na meron ka. Kapag nagro-rosary ako, parang kausap ko ang Panginoon. Every day iyon," patuloy pa ni Kim.
Subalit nitong mga nagdaang araw umano ay nakaliligtaan niya na minsan ang mag-rosary kaya ito ang inihihingi niya ng tawad sa Diyos.
"Pero lately, hindi ako nakakapagrosaryo so 'yun ang isa sa malaking ihihingi ko ng tawad. Dati, every day, pero nitong huli, parang nababawasan. Pero hindi dapat. Dapat ituloy lang araw-araw," anang girlfriend ni Xian Lim.
Payo pa ng Kapamilya actress sa mga nanonood at katulad niyang may panata, sana raw ay laging manalangin at magrosaryo kahit maraming magandang nangyayari sa kanilang buhay.
"Hindi mo lang Siya tatawagin 'pag hindi na maganda. 'Pag maganda o hindi maganda, parehas Niyang binigay 'yun, kaya hindi natin bibitawan 'yung faith at pagtawag sa Panginoon," wika pa nito.
Panoorin ang iba pang kuwentong ibinahagi ng mga host ng 'It's Showtime':
No comments:
Post a Comment