Libreng kulotan, anyone?
Mapapangiti ka talaga kung naka-relate ka sa ilang larawan na ibinahagi ng ilang Facebook pages sa social media kaugnay sa libreng pangkulot ng buhok na ginawa ng maraming bata naman o matanda noon nang hindi pa uso ang 'curlers' na ngayon ay nagkalat na sa mga shops o online stores.
Sa Facebook page na Memories of Old Manila, ibinagi ng netizen na si Justin Mae Valiente Barro ang litrato ng isang dalagita na kinulot ang buhok ngunit hindi rollers o curlers ang gamit kundi mga tangkay ng tanim na kamoteng kahoy (balinghoy).
"Dati pag gusto kumulot yung buhok punta lang sa bukid libre na," ani Justin Mae, na sinang-ayunan naman ng libo-libo at humakot ng halos 500 komento ng mga naka-relate. ^_^
Mas maraming larawan naman ang ibinahagi ng Batang 90's FB page. Sari-saring istilo ng pagkulot ang ipinakita rito pati na rin ang mga tangkay na maayos na nakasalansan para sa kulutang magaganap. hahaha
Nangangailangan rin ng talento ang paggamit nito ah. Sabi nga sa comments section, mayroong mga labis na kinareer ang paggamit nito dahil iba iba pala ang kalalabasan; depende sa husay ng kamay ng gagawa.
Bukod sa sanga at tangkay ng kamoteng-kahoy, may mga gumamit din pala ng madre kakaw at kakawate. Well, anuman ang ginamit, isa lang ang sigurado; masasayang alaala ang hatid ng libreng kulutan noong araw.
"Ito iyong uso na pag-aayos ng hair noong year 1960's. Mapabata, mapa-teen-ager mapa-dalaga man o senior na babae. Wala itong anumang gastos. Punta ka lang sa malapit na gubat."
"Those were the days. I was so in to it that I have to bribe my nieces to have their hair curled."
"Yan ginagawa namin ng mga kaibigan ko noon."
"Yes tangkay yan ng dahon ng kamoteng kahoy."
"Yes effective ito. Lahat mga bata sa amin noong 70's to 80' nakaranas ng ganyan."
Mapa-graduation man, birthday, piyestahan o ano pa man ay pinaghahandaan nila kaya't ang kulutan ay hindi lang isang pang-katuwaan kundi pampadagdag ganda.
Naranasan mo rin ba ito? Ayon sa mga komento ay mukhang epektibo naman na pangkulot ito, at environment-friendly pa! Ayan at napakaraming happy memories na nagbalik sa mga netizens!
No comments:
Post a Comment