Inamin ng social media personality na si Xian Gaza na ang biggest regret niya ay ang hindi niya nakasama ang kaniyang ama bago ito pumanaw noong 2020.
"The biggest regret of my life is not spending time with my father sa mga huling taon ng kanyang buhay. The virus killed him last 2020," pagbabahagi niya sa isang Facebook post.
"I was so busy sa paggawa ng pera that I forgot about my Daddy."
Dahil dito ay pinaalalahanan niya ang followers na habang buhay pa ang kanilang mga magulang ay paglaanan nila ang mga ito ng oras lalo na at walang kasiguraduhan ang bukas.
"Kung nababasa mo 'to at buhay pa ang magulang mo, I just want to remind all of you na walang kasiguraduhan ang bukas. Walang makakapagsabi kung kailan sila mawawala. Spend quality time with your parents. Bisitahin mo sila from time to time. Kumain kayo sa labas twice a month," payo niya pa.
"We are so busy growing up, we often forget that they are growing old. No matter how much money you earn and how much wealth you acquire, hinding-hindi nito maibabalik ang panahon. Nasa huli ang pagsisisi. Huwag na kayong gumaya sa akin."
Tila marami naman ang naka-relate sa post ni Xian dahil habang isinusulat ito ay may mahigit 32k reactions at 3k shares na ang post niya.
Kamakailan lang ay nagbahagi rin ng kaparehong payo ang aktres na si Roxanne Guinoo na nagbahaging dinadalaw niya ang kaniyang mga magulang tuwing Linggo upang tulungan sila sa mga gawaing bahay.
[RELATED: Roxanne Guinoo ibinahagi ang pag-aalaga sa mga magulang tuwing Linggo]
"I make sure maiiwan ko silang maayos na ang bahay at wala na silang maiiwanan na trabaho, bigyan panahon natin ang ating mga magulang, pahalagahan natin bawat oras na nakakasama natin sila," ani Roxanne sa video na ibinahagi sa TikTok.
No comments:
Post a Comment