May niluluto nga bang bagong proyekto ang Viva Films para sa pagbabalik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo?
Bagama't wala pang opisyal na kumpirmasyon ang movie outfit tungkol dito, tila muli ngang magsasama at magpapakilig sa kanilang mga fans ang Popstar Royalty at ang tinaguriang isa sa pinaka-talented at most bankable actor ng kaniyang henerasyon.
Ito ay matapos magbahagi sa kanilang official Instagram page ang Viva Artists Agency ng larawan kamakailan kung saan makikitang magkasama ang dalawa.

May caption rin itong "LOOK: Our #AshLloyd hearts @justsarahgph and John Lloyd Cruz in a new movie together? YES!!!"
"#SOON", dagdag pa ng post ng Viva na lalo pang nagpasabik sa mga fans ng AshLloyd.
Ibinahagi rin ni Sarah ang nasabing larawan sa kaniyang sariling Instagram account kung saan nag-comment din ang Viva Films ng "Lessgo".
Kani-kaniyang komento naman ang excited na mga tagasuporta nina Sarah G at JLC:

"@viva_films huwag nyo po kami paasahin, ilang taon na kami naghihintay."
"Pg natuloy toh, hihingi ako ng "me time" para mkanuod sa sinehan ha.hahaha."
"Hopelly not just romcom, maybe horror or suspense naman sana, or Action."
"Great to hear po na may bago silang project together . Excited na kami."

"@viva_films part 4 ng laida and miggy please....."
"Laida and Miggy are baaaaackkkk."
Kung maaalala, ang karakter nina Laida Magtalas at Miggy Montenegro ay unang ginampanan nina Sarah at John Lloyd sa pelikulang 'A Very Special Love' ni Direk Cathy Garcia Molina para sa Star Cinema at Viva Films taong 2008.
Tumabo ito nang husto sa takilya at kumita ng mahigit P185-M at dito rin unang sumikat ang kanilang tambalan. Nagkaroon ito ng sequel nang sumunod na taon (2009) na pinamagatang 'You Changed My Life' at muling naging blockbuster (P232-M box office).

Sa magkasunod na taon ay parehong hinirang ang dalawa bilang 'Box Office King' at 'Box Office Queen' dahil sa kanilang tagumpay.
Taong 2013 naman ay muling nagbalik ang tambalang Laida-Miggy para sa pelikulang 'It Takes A Man And A Woman' kung saan na-nominate pa si John Lloyd sa Best Actor category ng FAMAS Award.
Muli rin silang kinoronahan bilang 'Box Office King and Queen' habang tumabo naman ng mahigit P387-M ang pelikula sa takilya.
Sino ba ang makalilimot sa mga nakakakilig na eksena sa 'A Very Special Love'? Panoorin:
No comments:
Post a Comment