Naging 'instant ina' si Maris Racal sa baby ng kanyang nakatabing pasahero sa eroplanong sinakyan niya mula Italy pabalik ng Maynila kamakailan.
Magugunitang bumiyahe patungong Italy ang girlfriend ni Rico Blanco upang dumalo sa isang international film festival doon.

Habang pabalik ng bansa, nakatabi niya sa eroplano ang isang nanay na may bitbit na sanggol at dahil dito ay bigla siyang naging 'ina' sa naturang cute na baby.
Bukod sa inalagaan, pinadede at pinatulog pa umano niya ang bata habang kalong sa kaniyang mga bisig.
"Nagpadede, nagpatulog, at naging instant ina po tayo sa biyaheng pa Manila," caption ng larawang ibinahagi ni Maris sa Instagram.

Inamin ng actress-singer na mahilig talaga siya sa baby at masaya raw siyang nakatulong sa isang kababayan.
"When I saw na may baby akong katabi, my heart leaped out of my chest. Idk but i just love babies and i love baby sitting huhu!" wika ni Maris.
"Glad to have helped a kababayan Mom during this trip! Yes masaya po ang tulog niya! See last photo… so happy i met these two beautiful people!" dagdag pa nito.

Si Maris ay isa sa mga artistang dumalo sa Udine Far East Film Festival sa Italy kung saan kasali ang kanilang pelikulang "Where is the Lie."
Ang "Where is the Lie" ay mula sa direksyon ni Quark Henares at pinagbibidahan nina EJ Jallorina, Royce Cabrera, Joshua Eliason, Maris at marami pang iba.
Samantala, marami naman ang natuwa sa pagiging 'instant ina' ni Maris.

Kabilang sa mga nagkomento sa kaniyang post ay ang kaniyang mga kaibigan at kapwa celebrities na sina Iza Calzado, Jolina Magdangal, Angelica Panganiban, Darren Espanto, Melai Francisco, Loisa Andalio at iba pa.
Halos dalawang taon na rin ang relasyon nina Maris at Rico subalit tila wala pang planong magpakasal at magkapamilya ang dalawa batay na rin sa pinakahuling panayam sa aktres.
No comments:
Post a Comment