Maganda ang itinatakbo ng karera ng Kapuso star na si Martin del Rosario, na ngayon ay gumaganap bilang kontrabida sa upcoming live-action adaptation ng iconic Japanese anime na Voltes V.
Kumusta naman kaya ang buhay pag-ibig ng aktor?

Sa recent guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang Voltes V: Legacy co-star na si Liezel Lopez, ibinahagi ni Martin na mas pipiliin niya muna sa ngayon ang career kaysa pag-ibig dahil nawawala raw siya sa focus sa tuwing nagmamahal.
"Career, Tito Boy, ang tagal ko nang single, mga five years na. And isa sa mga reason sa akin, kasi kapag ako kapag nagmahal, lagi akong, parang nawawala 'yong focus ko sa life, e. Very passionate akong tao so kapag nag-love ako, may time na puro doon na lang ako nakatingin," pag-amin niya.

Pagbabahagi ni Martin, nangyari na sa kanya noon na talagang nawala siya sa focus dahil sa away pag-ibig, kaya nakaapekto ito sa kanyang trabaho.
"Nangyari na in the past, so alam ko baka mangyari ulit. Maraming times nangyayari 'yong nawawalan ka ng time, or kapag bad mood ako, may away, nadadala ko 'yong mood sa work and maraming naaapektuhan," wika niya.
Kapag naman nasasaktan, mas pinipili raw niya na solohin ang nadararama kapag nasasaktan.

"Nagka-cry ako pero mag-isa. Ayoko lang nakikita ng iba. 'Yong parang ang daming sinasabi na, ako lang kasi, alam kong ako lang magde-decide for myself," wika niya.
Sa ngayon ay abala si Martin sa pagpapabuti ng sarili bilang isang artista.
Bukod kay Liezel, kasama rin ni Martin sa nasabing adaptation ang mga bida na sina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.

Panoorin ang buong Fast Talk with Boy Abunda episode kung saan tampok ang mga Voltes V: Legacy kontrabida na sina Martin del Rosario at Liezel Lopez:
Samantala, narito naman ang full trailer ng Voltes V: Legacy:
No comments:
Post a Comment