DavaoPlus

Wednesday, 31 May 2023

[New post] Singsing pari na ‘nilalaro’ ng mga bata noon, dapat palang iwasan dahil sa toxins nito

Site logo image Joyce Sazon posted: "May nakita akong singsing pari sa may pintuan ng bahay ng aking anak at manugang. At dahil may mga apo ay agad ko itong winalis ngunit kumapit ito sa aking gamit na walis tambo. Ipinagpag ko sa isang plastic na sisidlan at vinideohan dala ng kuryosidad ku" Definitely Filipino News

Singsing pari na 'nilalaro' ng mga bata noon, dapat palang iwasan dahil sa toxins nito

Joyce Sazon

Jun 1

May nakita akong singsing pari sa may pintuan ng bahay ng aking anak at manugang. At dahil may mga apo ay agad ko itong winalis ngunit kumapit ito sa aking gamit na walis tambo. Ipinagpag ko sa isang plastic na sisidlan at vinideohan dala ng kuryosidad kung ito ba ay nangangagat dahil nga may dalawang akong paslit na apo.

Napabalik-tanaw din ako sa panahon ng aking kabataan kung saan nilalaro ito ng mga kababata kong lalaki. Sa pagse-search sa social media, nakita ko ang ilang post kaugnay sa singsing pari.

Tiktok video ni @yurichrish

Una kong nakita ang TikTok video ni @yurichrish kung saan ay makikita ang isang kamay na may tatlong singsing pari. Ganoong-ganoon sa ginagawa ng mga kalaro ko noon. Walang takot nila itong hinahawakan. Hinihipan nila ito at bigla itong bibilog na parang singsing.

Sunod kong nakita ang Facebook post at isang FB reel ni Dr. Richard Mata na nagbibigay ng babala kaugnay sa toxins na inilalabas ng singsing pari bilang depensa umano.

Ang Singsing Pari  (o millipede) ay isang arthropod na may mahigit dalawangpung paa (20 o mahigit pa). Ito pala ay may dala ring panganib sa ating katawan?

Sa post ni Dr. Mata ay ibinahagi nito na ang millipede ay nagre-release daw ng toxin mula sa katawan nito na  posibleng magdulot ng allergy o pagkapaso sa ating balat. Dagdag pa niya, millipede burn ang tawag dito.

Ibinahagi rin niya ang larawan ng paa ng isang batang tinapakan umano ang millepede at tila nasunog ang itsura sa talampakan nito.

Aniya, "Ito po ay totoo. Yung baby ay tinapakan niya ang Millipede at ganito ang nangyari sa paa niya.
Di alam ng marami ay nagrerelease ng toxin sa katawan nito na pwede maka allergy o makapaso sa balat ng tao known as "Millipede Burn". Salamat na lang at naging okay na ang bata.

Nagbigay din siya ng mga tagubilin kung sakaling mangyari ito sa netizens na makababasa ng kanyang post.

1. Wash with soap and water immediately
2. Avoid touching your eyes baka sa mata mapunta
3. You can apply cold compress to lessen the reaction.
4. Pwedeng magtake ng antihistamine gaya ng Cetirizine
5. Kung mukhang allergic reaction like namumula, you can apply Hydrocortisone cream. Aloe vera gel pwede ring gamitin.
6. If parang burn talaga, you can apply antibacterial cream or ointment like Mupirocin.
7. Dalhin sa hospital kung di tumitigil ang iyak, sobrang kate o matamlay.

Image via Wikipedia (The child put on her shoe and crushed the millipede which had crawled into her shoe the night before.)

Bumuhos ang mahigit 17K na komento sa post ng doktor. Marami kasing naka-relate at nakaranas ng millipede burn. May nagbahagi ng kanilang karanasan at ilang larawan bilang patunay.

Marami ding napabalik-tanaw na nilalaro nila ito noon at hinahawakan pa; sabay pasasalamat na hindi sila nakaranas ng 'millipede burn'. Tinawag din iton tren-tren ng iba at may mga nagsabi rin na may mas malaking uri ng millipede gaya ng ibinahaging larawan ni Remos Bulatin.

Well, lamang ang may alam. Sa patuloy na pagse-search ay tila yung mga naapakan o nadaganan ang nagdulot ng tinatawag na 'burns'. Sinuwerte lang siguro yung mga naglalaro niyan noon dahil hindi napisak ang mga singsing pari sa kanilang pagkakahawak kaya't walang kumatas na toxins? Well, iwasan na lang po natin. Scary din kasi yung mga naranasan ng iba sa comments section.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/06/singsing-pari-dapat-palang-iwasan/

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Learn how to build your website with our video tutorials on YouTube.


Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at May 31, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • May 2025 (14)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.