Dalaga na talaga ang anak nina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Mary Divine Grace "Princess" Pacquiao na magdidisiyete na sa Setyembre.
Finlex ng sikat na fashion designer na si Michael Leyva ang larawan ng 16-anyos na si Princess suot ang nilikha niyang lavender ball gown na pinalamutian ng Swarovski crystals. Ito ang sinuot ng dalaga sa dinaluhang prom sa kanilang paaralan.
Ayon sa post ni Leyva sa Instagram kamakailan, "Tito Michael feels so old already. It feels just like yesterday when I was making flower girl dresses for you but look at you now.
"

Dagdag pa nito, "Princess Pacquiao ready for her Ball in #michaelleyva fully beaded Swarovski ball gown."
Nagpasalamat naman ang grateful Mom na si Jinkee kay Leyva sa comments section.
"Thank you dear
I love the dress. 
," sabi nito.
Siyempre, ang nag-makeup arrtist na si Shone Zendon at hairstylist na si Jury Panganiban naman ay nakatanggap din ng mga papuri. Amazing ang beauty enhancement na ginawa nila sa morena daughter ng Pacquiao couple.

Umani ng maraming puso reactions ang mga larawan ni Princess.
Ang ganda talaga ng anak nina Sir Manny.
Beautiful girl lalo pang gumanda at super bait at humble na anak ni Pambansang Kamao
Bagay kay Princess ang gown mo @michaelleyva_ . Ganda ng color.
Npakagandang dilag nina @mannypacquiao & @jinkeepacquiao.
Beautiful girl lalo pang gumanda at super bait at humble na anak ni Pambansang Kamao
Wow beautiful Princess! At first I thought she was a young Judy Ann Santos. Bravo Sir
She's so beautiful and especially in your creationd dear @michaelleyva_ 
Si Mary o Princess ay masipag na bumuo ng YouTube channel kung saan ibinabahagi niya ang ilang kaganapan sa kanilang pamilya katulad ng mga travel vlogs. Mayroon na itong 1.39M subscribers.

No comments:
Post a Comment