Inamin ni Fernando Carillo na naka-date niya noon ang beteranang broadcaster na si Korina Sanchez nang minsa'y dumalaw siya sa Pilipinas.
Sa mga hindi gaanong nakakakilala, si Fernando Carillo ang gumanap sa papel ng guwapo at matikas na si 'Fernando Jose' sa Mexican telenovela na 'Rosalinda' kung saan nakatambal niya ang superstar na si Thalia at talagang sinubaybayan ng mga Pinoy noong dekada 90.

Sa panayam sa Venezuelan actor sa programang 'Fast Talk with Tito Boy', naitanong ni Boy Abunda sa kaniya kung naranasan niya na bang magmahal, o ma-in-love sa isang Filipina.
"I don't think I fell in love, but I've always been attracted to the beauty of Filipino women," sagot ni Fernando. "I've met some very beautiful women, and I keep meeting beautiful women."
Tungkol naman sa tanong kung may naka-date siyang Pinay, tila atubiling sumagot si Fernando subalit kinalaunan ay pinangalanan niya rin ang isang babae na kaniyang nakasama.

"It depends on what 'date' means, but I went to dinner with a very smart Filipino. Can I say who it was? Or are we going to get in trouble?" wika nito na sinundan pa ng birong nakalimutan na niya ang pangalan.
Nang siguruhin naman ni Tito Boy na wala namang magiging problema dahil nakaraan na ito, dito na umamin ang aktor.
"I have huge respect for Korina Sanchez. She's a good friend, and I respect her very much," bahagi ni Fernando.

"We did an amazing interview in Miami, and then I came to the Philippines once, and we went to have dinner with some friends," dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Tito Boy na naikuwento na rin ito ni Korina sa mga nakaraang panayam sa premyadong broadcaster.
Sinabi pa ng misis ni Mar Roxas na niligawan talaga siya ni Fernando noon pero wala naman daw nangyari pagkatapos ng kanilang date at hindi naman naging 'sila'.

Samantala, kasalukuyang nasa bansa si Fernando para sa kanilang ilulunsad na reality show kung saan plano nilang tumuklas ng mga Pinoy talents na maaaring pasikatin gaya ng mga Kpop idols na kinababaliwan ngayon sa buong mundo.
Heto naman ang buong panayam kay Fernando:
No comments:
Post a Comment