Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya ng Calapan City
PAANONG hindi papatay si major e napahiya siya nang ibunyag ng pinatay niya ang kabulastugan niya sa patong na sugalan, shout out muna kay Pastor Romy Robles na sasalubong sa akin bukas sa Davao City, shout out din kay Mayor Sebastian Duterte ng Davao City. Kawawa naman ang katoto nating Cresenciano Bunduquin, wala namang kasalanan ito maliban sa pagbubunyag sa patong na perya ni major sa Calapan City. Sabi nitong si Kiwal ang bulati kong kikiwal-kiwal, 100 libong piso raw ang pinakamurang patong ng hepe ng pulisya para payagan ang perya. Kaya naman kahit salaulain ni hepe ang tsapa't uniporme niya, gagawin niya para sa…ano tawag…"intelihensiya"? isang nagpapanggap ngang media practicioner ang nag-aalok kay gambling lord Rogelio Mistica Jr. na may alam siyang papatay kay Derek Jorge, marami na yata kasi akong nasagasaan sa aking kampanya laban sa illegal na sugal. Kasambahay si Mistica ho ang may pasugal sa kanto ng Banawe at N.S. Amoranto St. sa Quezon City. District Director Nicolas Torre lll, kumusta napo, 100 libo rin kaya Kiwal ang patong ni Mistica sa station commander ng Station 1 Quezon City Police. Sabagay nagbigay naman ng salita itong opisyal daw ng NCRPO press corp kung totoo itong kahit milyones papatungan niya ang pulis huwag lamang maisara sugalan niya. E 'di lugi ka na sa Cubao, sarado na e. Sabi pa ni Kiwal bunot na. Hindi rin ako makapaniwalang hindi alam ni Caloocan City Police Chief Ruben Lacuesta ang pamamayagpag nina Marissa at Liway sa sugalan sa First Avenue, sagabal pa sa daloy ng trapiko dahil ipinangsara sa kalye. Baka po may problema kayo kasambahay, pag-utusan po ndgodino@yahoo.com, nakakasawa na kasi ang paksang sugalan, iba naman. Sa susunod, abangan ang masagwang pabahay ng GSIS.
No comments:
Post a Comment