Trending ngayon ang laruan na kung tawagin ay 'Lato-lato' (o ball clackers) sa mga bata at hindi na gaanong bata. Ang laruang Lato-lato ay dalawang bola na may tali at ito'y iniindayog nang dahan-dahan sa simula hanggang sa pabilis na nang pabilis upang magbanggaan ang dalawang bola na lumilikha ng maingay na tunog.
Noong early 70's pa man ay naging uso rin yan ngunit hindi ito nagtagal dahil bukod sa maingay ay mayroong mga napahamak.
Ngunit ngayong 2023 ay muli itong nauso sa mga bata at nagkaroon pa ng mga lato lato challenge na makikita sa social media. Mayroon mang mga natutuwa, kailangan din nating isipin ang kaligtasan ng mga bata.
Delikadong Laruan
Isang FB post na ibinahagi ni Tina's Pastime ang nagbibigay babala kaugnay sa laruang ito na nagdulot na ng kapahamakan sa ilang bata. Aniya, "Ingatan ang mga anak niyo sa Lato lato."
OMG. Kay lalaking bukol!
Sa isang artikulo naman ay nasasaad na kabilang ito sa pitong pinakadelikadong laruan para sa mga bata. Maraming ulat na ang naitala kung saan sa pagtatangkang malaro ito ng mga bata ay natatamaan ang kanilang sarili at ibang bata na nagdulot ng black eye, nose bleed at iba pang injuries.
May mga pagkakataon pang biglang nabibiyak at tumatalsik ang bola kaya't agad itong inalis sa merkado noon.
Samantala, naglabas ng babala ang environmental watchdog group na BAN Toxics sa publiko kaugnay sa pagbili ng laruang pambata na ito na nagte-trending ngayon. Anila, "Lato-Lato Toys are Dangerous to Children's Safety."
Ayon sa grupong nagmamalasakit, "All the toys that were checked had no proper labels, which failed the labeling requirements under Republic Act 10620 also known as the Toy and Game Safety Labeling Act of 2013."
Inihayag din nila na maaaring magka-eye injury ang mga bata, magdulot ng choking at masakal sa tali ng laruan bukod pa sa ibang nabanggit sa itaas.
Ayon sa BAN Toxics, ipinagbawal na nga ito sa USA, UK at Canada dahil sa safety hazards.
Pagdidiin ni Thony Dizon, Toxics Campaigner, BAN Toxics, "Parents should be warned of the potential dangers of the lato-lato toy to their kid's health and safety. These should be removed from stores near schools."
Hihintayin pa ba nating dumami ang mapahamak? Sana'y bigyan na ito ng pansin ng mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment