Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litratong ibinahagi ng magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque kamakailan. Ang tanong nila: nag-propose na ba si Dominic kay Bea?
Sa Instagram, makikita ang sweet photos ng magkasintahan na ini-upload nila nang walang context. Napaisip tuloy ang kanilang mga kaibigan at tagahanga kung engaged na ba ang dalawa at hindi pa lang ito ipinaaalam sa publiko.
As of posting, wala pang pagtanggi o kumpirmasyon mula sa magkasintahan.
Well-loved couple
#CoupleGoals kung tawagin ng mga social media user ang mga travel ng celebrity couple. Natutuwa rin ang fans dahil batid nila na talagang masaya sina Bea at Dominic sa isa't isa.
[RELATED – Bea isang taong pinaghintay si Dominic noon dahil sa takot na muling masaktan]
Nauna nang ibahagi ni Bea na natakot siya noong una nang manligaw sa kanya si Dominic.
"It took more than a year of dating kasi ayaw ko siyang lagyan ng label," kuwento ng aktres. "Parang kami na, pero I'm just so scared to put the label on it and make it official."
Hindi naman din lingid sa kaalaman ng marami ang hindi magandang pagtatapos ng relasyon ni Bea sa aktor na si Gerald Anderson noong July 2019. Nabanggit din ng aktres na nahihiya na siya sa publiko sa paulit-ulit na pagkakamali niya sa pag-ibig.
"Kasi nakakahiyang paulit-ulit na nagkakamali in front of the public," wika niya.
"When you will go through like in very public breakup, 'yong paulit-ulit na public breakup, actually hindi siya masaya," sabi pa ni Bea. "It's something you don't want to go through again."
Ngunit sa kabila ng takot na masaktan ulit, napagtanto raw ng GMA actress na mas hindi niya kayang mawala ang isang taong nagpapasaya sa kanya.
"I decided that I'm not going to be a prisoner of my past. I'm open to falling in love again. I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody, but I would like to say that I am open to being happy whether it's romantically or in that aspect, romance or work. I am very open as you can see diba I am opening so many doors so I am open to a lot of possibilities," pahayag niya sa isang panayam sa Mega Entertainment.
No comments:
Post a Comment