Isang nakatatakam na post sa Nostalgia Philippines (NP) Facebook page ang nagpabalik-tanaw sa marami kaugnay sa isang klase ng bottled drink. Parang malalasahan mo pa ang sumikat na inuming ito lalo na noong mga dekada 70s-90s -- ang Magnolia Chocolait na nasa sisidlang bote!
Ibinahagi ni ka-NP Gary Quinquito Santos ang larawan ng klasik na sisidlan na naging laman ng mga refrigerator noon araw.
Aniya, "Ang inaabangan ko noon.."
Marami ring nakisang-ayon.

Noong kasikatan kasi ng inuming iyan ay nauso ang delivery sa mga bahay-bahay. Iniiwan 'ang basyong bote at pinapalitan ng nagde-deliver noong araw. Nakabibili rin sa mga grocery noon o sa mga hiwalay na outlets ng Magnolia products. May fresh milk din.
At kapag naubos na ang laman ay maganda rin itong lalagyan ng tubig. Kaya naman hindi nakapagtataka na marami ang gumagamit niyan bilang lalagyan ng pinalalamig na tubig sa ref. ^_^
Pagbabahagi ni Myx Acosta, When Magnolia Chocolait & Fresh Milk were still in square bottles and can be delivered in the neighborhood every morning.
Napa-walk down memory lane na rin tuloy ang iba pang mga kapanahunan ko. Lol
Ang mahal yan swerte na lang kung bibigyan ka ni kalaro o ka tropa
Ang nakakabili yan ung nag-aabroad ang tatay nila mga panahon ng 80's at 90's.

Mahirap lang kami. Nakikita ko lang ang basyo nyan sa kapitbahay. Pinapalitan sa umaga ng bago. Tapos utang. 1975.
May nag dedeliver sa 'min nyan dati every morning 

sarap nyan.
Favorite ko yan nang bata. laging binbili ng Mama namin yan. tapos pag ubos na lalagyan na namin ng tubig.
Everyday meron ako nyan sa lola ko at kesong puti nakabalot sa dahon ng saging pang palaman sa pandesal.

May mga nakaalala rin naman sa Choco-Vim na ayon naman sa Pinoy Kadekada Ph ay mas nauna sa Chocolait.
"Introduced in 1957, CHOCO-VIM was manufactured by Magnolia Dairy Products of the San Miguel Brewery. At only 15 centavos per bottle, CHOCO-VIM could be served hot or cold, and the energizing, chocolate flavored-drink became an instant favorite in no time all. It was first sold in tall, softdrink-like bottles, but after a while, shifted to a shorter, squatter bottles."
Dahil may kamahalan ang overhead sa paggawa ng bottled drink, may deposito diyan kapag binili.
Nang mawala na sa sirkulasyon ang de boteng chocolate drink ay pumalit naman ang mga tetra pack ng iba-ibang brand. Mayroon pa rin namang gawa ng Magnolia pero mayroon din ang Nestle at Selecta.

No comments:
Post a Comment