"Wala ka nga ni isang kusing..." isang linya na naririnig natin noon sa mga lumang pelikula o sa ating mga nakatatanda. Pero alam ba natin ang ibig sabihin o katumbas ng isang kusing? Karamihan siguro sa atin ay walang ideya dahil isang sentino lamang ang naabutan natin.
Kaya naman marami ang nag-react sa ibinahaging larawan ng miyembro ng Nostalgia Philippines na si Karl Bustamante. Aniya sa kanyang post, "Kusing" Kalahating Sentimo... 1903-1908. May nakaabot p Kaya nito sa inyo?
O pamana na lang nila inabot nyo, hehe"
Kalakip nito ang isang larawan na mahihinuhang old coin na nga. Mababasa ang linyang "Half centavo at Filipinas".

Mahigit 150 katao ang napakomento dito at nagpahayag ng pagkagulat dahil mas mababa pa pala ito sa isang sentimo na pera. Malamang, coin collectors na lang ang mayroon nito.
Kusing pala ang ibig sabihin ng kalahating sentimo ngayon ko lang nalalam
Ano kaya nabibili nito noong nasa circulation ito?
Kala ko ang kusing ay binaligtad lang na singko hahaha.
Iyan yata ang pinakamaliit na denomination ng Philippine money, isang kusing.
As late as the 70s mabigyan ka ng piso na aguinaldo napakalaki na!

Ayon sa ating na-google sa Esquire, ang kusing ay halaga ng pera na may katumbas na kalahating sentimo. Ang mga salitang isang kusing ay literal na nagmula sa "one coin".
Sabi nga sa artikulo ng Esquire, "The use of the phrase isang kusing, literally "one coin," dates back to the early American colonial period in the Philippines. The word comes from the Filipinized Spanish singko (cinco) or five, whose two syllables are transposed. According to the UP Diksiyonaryong Filipino, kusing is a coin with a value of half-centavo. The term "kusing" referred to a series of minor coins produced by the Americans from 1903 to 1945, namely, the half-centavo, the one-centavo, and the five-centavo coins.
Sa tatlong barya o coins na inilabas, ang kusing umano ang pinakaayaw ng mga tao dahil sa napakababa nitong halaga.

Ayon kay Lance Tchor of CoinWeek, ang kusing ay inilabas noong 1903 ngunit itinigil ang paggawa nito noong 1904 dahil inayawan ito ng mga Pilipino dahil sa mababa nitong halaga o value. Itinigil umano ng pamahalaan ang sirkulasyon nito taong 1908 at tinunaw na lamang.
At least, ngayon ay batid na natin ang tunay na kahulugan ng isang kusing.
Sa mga lumang pelikula na lamang natin maririnig ang "Ni wala ka ngang kahit isang kusing!"
Pero take note, may historical value na ito!
Panoorin ang video na ibinahagi ni Pulaw sa YouTube:
No comments:
Post a Comment