Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya sa Canada
HINDI yata kasambahay nangag-uusap itong mga Canadian, at hindi yata nanonood ng balita ang Canadian Immigration, ano ho kaya ang nais nitong palabasin sa paninita sa dati nating hepe ng pulisya? Shout out muna sa aking mga senior pastor Rev. Nestor Sadim at Manuel Soliman ng Servant of God in Christ Jesus Christian Ministries Inc. Home Office, Meycauayan City, Bulacan. Komedya rin itong paninita kay Rodolfo Azurin sa Canada, para na lang wala nang gulo, balik Pinas ang pobre. Hindi ba't kaibigan naman ng Pinas ang Canada, bakit kaya pinangahasang sitahin ang dating pinakamataas na hepe ng ating pulisya, talaga kayang inuungkat lang ang intriga sa sinasabing extrajudicial killing noong panahon nya sa kampanya sa bawal na gamut, ano naman ang pakialam ng mga Canadian doon, si Sen. Bato Dela Rosa, dati ring chief PNP, masisita kaya kung darayo roon? Wala pang komento ang Canadian Embassy e, pero nasa pwesto pa rin kaya yung nanita kay Azurin o baka sinipa na rin? Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Pinayuhan ho ni FMJ ang may 60 heneral ng pulisyang huwag pasisilaw sa salaping lagay ni gambling lord Rogelio Mistica Jr. Habang may sugalang ikinukubli sa mga perya, namamayagpag ang katiwalian sa pulisya. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment