Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya sa QCPD 7
KOMEDYANTE rin itong si Sen. Ronald Dela Rosa, ikukulong daw habang buhay si pasaway Wilfredo Gonzales sa panduduro kay Allan Bandiola. Shout muna sa bagong derektor ng Quezon City Police Brig. Gen. Redrico Maranan, kumusta naman si heneral Nicolas Torre lll, navy…floating? Lagot ka patrolman, hindi magandang biro kung biro man ang salita ni bato. Pero pinatatawad na siya ni Bandiola, nagpapakumbaba na naman e. Totoo namang biktima rin si Willy boy, durog na durog na ito sa social media at patuloy pang dinudurog, kaya magsilbi itong aral, magdahan-dahan sa pagkilos. Napala mo, wala kang lisensya ng baril at pagmamaneho. Paano ka mapakikinabangan ng potensyal mong aaplayan, malabo. Magnegosyo ka na lang, taho. Aba Kiwal, bulating kikiwal-kiwal,lahat ng nagtaho, yumaman. Dahil nagviral ang video ni Willy boy, nagpapress conference si heneral sa pag-aakalang maaabswelto ang kliyente, nagkamali siya. Pero hindi naman ako maniniwalang hindi mo alam na may reklamo laban sa iyo sa ombudsman sa proteksyon ng sugalan sa Cubao, sana nagpa-presscon ka para makadepensa. Gen. Red hindi mo kasana masilaw ng milyones ni gambling lord Rogelio Mistica Jr. dahil nakamata si Kiwal, magsusumbong at magsusumbong iyan sa akin. Maganda rin ang naisip ni Senate president Juan Miguel Zubiri, "special law to allow government to pursue complaints against road rage suspects even if private complainant is not interested in pursuing the case", sana sa ibang usapin ding gaya ng child abuse at violence against women and children..
Mga ka-Marked Man, magkita-kita tayo sa petsa 21-23 sa phase 1. Anumang problema jrglpz@yahoo.com, ndgodino@yahoo.com
No comments:
Post a Comment