Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya sa timogdagat tsina 2
TIGER economy ang tag-uri ngayon sa gobyernong singkit na Tsino at maging ang katatapos na pamahalaang Digong Duterte ay andap sa pwersang iyon. Shout out muna sa Association of Baptists in Bulacan, Ptr. Ric Reyes, may mentoring sila ngayon, Ptr. Fernando Abraham. Komedya rin ang patintero sa pagitan ng Chinese at Philippine Coast Guard. Lakas-loob na pinutol ng mga boserong Pinoy ang barrier ng Tsina sa Timog Dagat Tsina. Malakas kasi kasambahay ang loob ng mga kayumangging nasa katwiran ang ating mga kalahi. Walang nagawa sa ngayon ang mga Tsino kundi maghimutok, sila man kung magkakamali ng kilos ay kukuyugin sila ng mga kaalyado ng Pinas. Ito ang bentahe ng pakikipagmabutihan natin sa mga kapit-bansa, hindi tayo iiwan sa ere. Lubhang kaawa-awa rin itong mga katutubong Badjao, lumayas sila sa Mindanao upang mamalimos sa Luzon. Hindi pansin ang init ng araw at panganib sa lansangan, kilik ang mga sanggol, nakasabit sa jeep para mangalabit-penge. Sa Tacurong City, Sultan Kudarat ay pinagmamalasakitan ni Ptr. Paul ang mga Badjao. Nakalikom siya ng sapat na pondo upang ibili ng kapirasong lupa para tigilan ng mga Badjao, nguni't nang mabuko ng mga nakapangyayaring lipi, hindi pumayag ang mga itong ibenta ang lupain. Ngayon, magbabaka-sakali tayo Ptr, ibenta natin sa gobyerno ang nakita mong 98 ektaryang lupain at proyektong pabahay sa mga Badjao ang pinangangarap na maitayo. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment