[New post] Labis niyang minahal ang mga anak dahil sa kanyang naranasang hirap na ayaw niyang danasin nila, pero nagkamali ba siya?
Joyce Sazon posted: "Isang single mother ang nagtaguyod ng tatlong anak sa kabila ng napakatinding pinagdaanan sa panganay niyang anak na lalaki noong kanyang kabataan. Mula sa labis na pagsusumikap ay nagawa niyang pataasin ang antas ng kanilang pamumuhay kung saan ay ipi" Definitely Filipino News
Isang single mother ang nagtaguyod ng tatlong anak sa kabila ng napakatinding pinagdaanan sa panganay niyang anak na lalaki noong kanyang kabataan.
Mula sa labis na pagsusumikap ay nagawa niyang pataasin ang antas ng kanilang pamumuhay kung saan ay ipinadanas niya sa mga anak ang alwan ng buhay at luho na hindi niya naranasan dahil isa lamang siyang anak ng kasambahay noon.
Sabi nga niya, "All parents want their kids to have a better life. I never had any luck. I had no youth. I had to grow up quickly at 17. So I want my children to do it all and have it all." [Wonderful Mama Ep. 2]
Buhay mayaman talagang maituturing ang ipinaranas niya sa mga anak hanggang sa dumating ang matinding pagsubok na magpapataranta sa kanya. Na-diagnose siya na may early-onset Alzheimer's disease… isang sakit na nagdudulot ng dementia, o pagkawala ng cognitive functioning - pag–iisip ng tuwid, pag–alala ng mga bagay- bagay at matinong pakikipagdiskusyon. Maaari ring apektado ang emosyon at personalidad ng taong may Alzheimer's. Ang sakit ay nakaaapekto sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao habang lumalaon.
Dahil dito, alam niyang malalagay sa panganib ang kanyang mga naipundar kapag nawawala na siya sa tamang pag-iisip. Kasabay nito ang pag-aalala sa kanyang mga anak na labis niyang pinalaki sa layaw kaya't hindi masasabing handa na silang harapin ang pagiging responsable. Mauubos lamang agad ang ano mang iiwan niya dahil hindi niya naihanda ang mga ito sa adult life at sa pagpapatuloy ng mga iiwan niyang negosyo.
Sa isang iglap ay napagtanto niyang hindi niya napalaki nang maayos ang kanyang mga anak para maging handa at matitibay ang mga ito sa mga pagsubok ng buhay.
Paano na sila kapag "nawala" na siya sa tamang pag-iisip dahil sa mabigat niyang karamdaman? Paano na sila kapag tuluyan na siyang namaalam sa mundo dahil sa lalala pa niyang sakit? Tila naging wake up call ito sa kanya. Kaya't pinag-isipan niyang maigi kung mahahabol pa niya ang panahon para mailagay sa matuwid at mabuti ang kanyang mga pinakamamahal na anak.
Sa payo at paalala ng kanyang matalik na kaibigan na dumanas ng mabigat na problema sa sariling anak, "You'll leave them your fortune and it will be gone in less than two years." [Wonderful Mama Ep. 4]
Nagagahol man sa panahon sinikap pa rin niyang mailagay sa ayos ang estado ng maturity ng kanyang mga anak. Masalimuot pa ang pinagdaanan nila at hindi madali ang ginawa niya lalo pa't may kakabit na mga komplikadong sitwasyon ang kanyang nakaraan na humahabol sa kanyang kasalukuyan. Pero para sa kanyang mga anak, napakahirap man ay nilabanan niya ang mga pagsubok at nagpakatatag; tiniis niyang magdusa ang mga anak para lang matutunan ng mga ito ang tumayo sa kanilang sariling paa.
Kung isa kang magulang o kaya'y nagsisimula pa lang sa parenthood journey mo, maraming aral ang mapupulot sa heartwarming Korean family drama serieas na "Wonderful Mama", starring Bae Jong-ok kasama sina Jeong Yu-mi, Kim Ji-seok at Park Bo-gum.
Kasama rin dito ang iba-ibang kuwentong pamilya na siguradong makaka-relate ka. Bukod sa nakaaaliw at nakalilibang, promise tatawa ka at maiiyak, siguradong hahaplos talaga sa puso mo ang pagmamahal na walang kasing dakila.
Somewhere in us, no matter when dementia may strike, we know our kids forever. The mind may fail, words may be lost, but the heart will always know. A mother's love is eternal.
Maaari itong mapanood nang kumpleto, may English subtitle, sa KissAsian. Sharing with you dahil labis namin itong nagustuhan sa aming pamilya.
No comments:
Post a Comment