[New post] Twinning sa buhok? Klasik na gupit noon, naghatid ng kaaliwan sa netizens
Joyce Sazon posted: "Mapababae man o lalaki, ang buhok ang tinatawag na crowning glory ng sinuman dahil ito ay nagdadala ng itsura sa may katawan. Kaugnay dito, naghatid ng nostalgia at kaaliwan sa netizens ang isang klasik na larawan ng magkakapatid sa isang Nostalgia pag" Definitely Filipino News
Bumuhos ang netizens na napa-react at napakomento sa post ni Fiacxis. Napabalik-tanaw kasi ang marami sa style ng gupit na tinawag na marami bilang 'chato' style, army cut, white sidewall, crew cut, clean cut, gupit bao, tsatong, corto, atbp.
Malinis man itong tignan, marami ang nagbuhos ng pagkayamot habang natatawa sa kanilang ganoong gupit noong kanilang kabataan, mga 50s-70s. Mayroon ding mga nag-share ng kanilang kiddie memoirs na may ganoong tabas ng buhok. Napuna rin ang twinning ng mga bata sa kanilang kasuotan.
Chato ang tawag namin dati diyan o taklob-bao.
Nakakainis pag ginupitan ako ng ganyan noon nag-aaway kami ng tatay ko
Maraming luha ang nasayang ko sa gupit na yan.
Iyak na talaga pag oras na ng gupitan.
Gupit ko rin yan noong bata batuta pa ako mga 5 yrs old ako hanggang 12 yrs old po tsa tu, tapos lagi nang semi kalbo o crew cut na hanggang ngayon nakaka ingit nga yung mga long hair o kaya kempee hairdo o kaya yung kagaya kay mc hammer cut o francism cut at nagpapakulay ng buhok kagaya ni tau lava.
Naalala ko tuloy lola ko ang nag aaroga sa'min, ganyan lagi gupit namin magkakapatid kapag nag school na
Gupit bao ang tawag namin dyan noon. Ipapatong mo lang ng bao ng niyog sa bumbunan tapos aahitin na ang paikot. Yun na yun!
Photo enhancement by Eimar Danlag / Facebook
Shantum sa ROTC kuya, Shantumpok lang
Hanggang 80s uso pa rin ang ganyang gupit biktima din ako ng gupit ns ganyan cumpare nila sa mga sundalo kaya proud ako kc sabi ng titser namin...oy iho ang ganda nman ng gupit mo...slamat sa joseph barbershop mid 80s salute.
The hair cut of the forgotten times 'crew cut'.
Ang classic na Army Cut ay tinawag na 'Chato' bilang Pinoy Version at naging karaniwang gupit sa maraming kalalakihan, mapabata man o matanda ilang dekada na ang nakararaan. May mangilan-ngilan pa ring nakikita na may ganitong gupit dahil sa presko daw at malinis tignan. Sabi nga, babalik at bumabalik talaga ang mga uso.
No comments:
Post a Comment