Kaway-kaway sa mga nakaabot sa panahon ng 'flash cubes' na ginagamit na pampailaw ng mga kumukuha ng larawan.
Naaaliw na kuwento ng netizen na si Debra Mize sa Facebook page ng We Pretend it's Still the 1970s
, "It's 1975
My Parents got me this Kodak Instamatic Camera for my birthday. The flash cube is blinding everyone every time I take their pictures...Ha Ha !"

Napabalik-tanaw naman ang marami dito.
I know right! My grandma has a camera like that and she is always burning my eye balls with it!
I got one when my son was born in 1974. Best camera ever!
It's amazing how the flash works without batteries.
That little flash cube gets HOT if you take several pictures at once!

Trivia
Alam mo ba na noong araw itinuturing na 'rare profession' ang photography o pagkuha ng mga larawan? Kasi daw ay medyo delikado noon sa photographers ang paggamit ng mga pampailaw o artificial lights.
Bakit kamo? Kapag kailangan kasi nila ng artificial na liwanag ay umaasa sila sa mga delikadong flash powders.
Ayon sa Photography Flashback story ng Light Stalking, "It was the use of artificial light for photography and photographers had to depend upon explosive and dangerous flash powders, ignite them, cause a mini explosive flash in order to light up their subjects when light was not sufficient. This also helped them to considerably reduce exposure times."

Sa paglipas ng panahon at pagsulong ng teknolohiya, mula sa paggamit ng flash powder ay umusad ang photographers sa paggamit ng flash lamps. Kasunod nito ay ang paggamit ng flash bulbs (kaso sobrang init at isang beses lang nagagamit). Pagkatapos ay narating naman ang paggawa ng flashcubes na base sa larawan sa itaas ay ikinakabit sa Kodak Instamatic camera.
'Yung mga nakaabot sa flash cubes, malamang, ay mga lolo at lola na ngayon. Vintage na ang aytem na ito pero mayroon pa palang in good working condition ayon sa ilang post sa social media.
Sa mga hindi naabutan ang flash cubes, panoorin n'yo ang video na ibinahagi ng F4r0kh via YouTube:
No comments:
Post a Comment