| iskup2015 Oct 28 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedyang Pulitika Komedya talaga ang pulitika, alam mo na ba ang iboboto mo, magdahan-dahan ka sa isusulat mo sa balota, hangga't maaari ay iwasan mong mag-eksperimento. Kapag binigyan mo ng pagkakataon ang sinuman, mabuti at masama, mali at tama, sa ayaw mo't sa gusto ay magkakaroon ng taga-sunod iyan, makinarya ang tawag doon. Shout out muna kay Derek Jed Cayanan, Pastor Christopher Nicodemus. Kumustahin mo unang una ang kanyang pamamalakad sa kanyang pamilya, anong uri siyang ama ng tahanan, baka naman iniwan niya ang asawa nya para sa iba, baka nakikisama siya sa kapwa lalaki dahil ni-hindi niya tiyak ang kasarian niya. Kumusta ang mga anak niya, nagsisipag-aral kaya o maaga nang nagsipag-asawa? Baka abala siya sa panunungkulan, sira naman ang kanyang sambahayan? Kung nakaupo ngayon ang susuportahan mong kandidato, kumustahin mo ang nagawa niya sa nakaraang mahaba-habang limang taon. Ilang porsyento kaya sa inyong barangay ang nagka-ayuda? Kumusta ang Barangay Drug Abuse Council, "liquidated" kaya ang gastos? Mayroon kaya siyang community adviser, sino kaya iyon? Kumusta ang pakikitungo ng mga nakaupo sa inyong mga pinamamahalaang residente? Tandaan, kung palpak ang pangangasiwa sa sariling pamilya, hindi mo maaasahang matiwasay ang panunungkulan. Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment