Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedyang Pulitika 2
MANGAGWAGI man, hindi rin maipoproklama ang may 245 kandidato ng barangay at sangguniang kabataan elections bukas. Shout out muna kina Pastor Fernando Abraham, Rev. Nestor Sadim at Manuel Soliman, pagkilala sa inyong tapat na pagsisilbi sa Dios, tanggapin ninyo ang sertipiko ng pagkilala mula sa Servants of God in Christ Jesus Christian Ministries Incorporated, Luzon Convention of Southern Baptist Churches. Kasambahay, lima sa mga ito ay namili ng boto, 173 ang adelantadong nangampanya kahit hindi pa kampanyahan, 37 ang namumurong makanselahan ng sertipiko ng kandidatura, dapat lang masampulan ang mga ito. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako makasasaksi kung sakali man ng ganitong pangyayari, magtitino na seguro kayo ano po? Kahit marami sa mga tutol na maging Highly Urbanized City ang lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan ang nagsipagbaligtaran na, "No" pa rin ako sa plebisito dahil sa wala naman tayong mapapala maihiwalay man o hindi ang kauna-unahang syudad sa Bulacan sa lalawigang ito o hindi. Kapag nagwagi ang yes, mababasura ang scholarship ng mga estudyanteng taga-roon mula sa tanggapan ng gobernador, diskwalipikado na kasi sila't hindi na Bulakenyo, papalitan ang mga ito ng mga taga-Bulacan, pero kaya naman daw nilang magsarili at baka 10 beses pang maparagdag na iskolar; mapuputol na ang mga benepisyo ng mga Mother Leader, LLN, BTEC, Tanod mula kapitolyo, kaya naman daw nilang ibigay; hindi na libreng magpaospital sa kapitolyo, diskwalipikado na rin kasi sa subsidy, may ospital na rin naman daw roon; wala nang programang medical, imprastraktura ang kapitolyo sa CSJDM; tataas na ang singil sa tubig at buwis, sa mga mayayaman ay ayos lang, sa mga maglulupa kaya? Tayong mga hindi tagaroon, mahiwalay man sila o hindi, wala naman tayong pakinabang kaya kami ni Kiwal, bulating kikiwal-kiwal "No". Bumoto tayo kasambahay. Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment