| iskup2015 Oct 23 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedya pa sa Ayungin Shoal NAIINIP ang daigdig sa resulta ng kondenasyon ng Pilipinas at ng mga katabing bansa sa aroganteng kilos ng mga singkit sa timog dagat tsina. Balewala namang lahat ang panghihiya ng Pilipinas sa Tsina, ano ba kung magkabanggaan ang mga barko ng magkaibayo sa dagat, ano ba kung may masaktan o kahit may mamatay pa, "collateral damage". Shout out muna kay Pastor Nestor Sadim, Dr. Enrico San Pedro. Nagkasagian ho ang mga barko ng Chinese coast guard at supply ship ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, mabuti't bahagyang insidente lang ang naganap, at pwedeng mas may malalang mangyari sa hinaharap dahil tila komedya lamang para sa China ang pangyayari. Hanggang maaga dapat hadlangan ang pambabarako ng mga singkit. Hindi ho imposibleng anumang oras ay dayuhing muli ng mga Pinoy ang Kuwait at limutin na ang kalunos-lunos na sinapit ng kawawang si Jullebee Ranara sa katuwirang hindi naman kapalaran ng iba ang sinapit ni Jullebee at saka mamatay man, babayaran naman. Inihahambing na lamang sa bagay-bagay ang buhay ng tao. Nagkakamabutihan na ho kasi sina Pangulong FMJ at gobyernong Kuwaiti. Nakalusot si vlogger Rendon Labrador na nakakuha ng video sa operasyong anti-cyber crime. Ngayon sising alipin ang mga pulis at pinag-aarlang pagtakpan ang kapabayaan. Nalilimutan na kasi ang protocol sa pagpapahintulot sa mga nais magmasid sa pangyayari. Hindi naman dapat kapritso lang ng sinuman ay pagbibigyan na, paano naman ang pahirapang akreditasyon ng mga lehitimong mamamahayag. Kailangang ikonsidera kung ang vlogger ay ipalalagay nang media man. Sabagay, ano ba ang kaibahan nitong vlogger sa nakapusturang kababuyan ang ibinubuga sa ere. Tuwang tuwa naman si Kiwal, bulati kong kikiwalkiwal sa ipinangangalandakang kasawian ninuman. At milyones ang kinikita sa social media ha. 361 daw ang election hotspots habang isang linggo na lang halalan na. makaraang sibakin ang hepe ng Binmaley police, nakatengga ang reklamo laban dito sa tanggapan ni PD Pangasinan, kapal ang mukha ng mga pasaway na pulis na ito, ha kapitan sa investigation office. Ang sugalan sa Binmaley tuloy na naman, Ibasan tandaan mo hindi ka mo naman madadala kung saan ka man pupunta ang milyones mo. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment