DavaoPlus

Friday, 13 October 2023

[New post] Kahandaan ng isang ama para sa huling yugto ng buhay, umantig sa marami

Site logo image Joyce Sazon posted: "Iisa lamang daw ang kinahahantungan ng lahat; iba iba nga lamang ng panahon. Una una lang 'yan, sabi nga ng mga nakatatanda. Pero pinaghahandaan ba ito ng lahat? Dapat bang paghandaan? Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng isang anak ang ilang kaganap" Definitely Filipino News

Kahandaan ng isang ama para sa huling yugto ng buhay, umantig sa marami

Joyce Sazon

Oct 13

Iisa lamang daw ang kinahahantungan ng lahat; iba iba nga lamang ng panahon. Una una lang 'yan, sabi nga ng mga nakatatanda. Pero pinaghahandaan ba ito ng lahat? Dapat bang paghandaan?

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng isang anak ang ilang kaganapan sa buhay ng kanilang ama nang ang huli ay maospital. Sa pamamagitan ng ilang larawan ay ipinakita niya ang mga huling araw ng kanilang padre de pamilya nang ito ay dinala nila sa pagamutan para maialis ang tubig nito sa baga.

Salaysay ni Shirley Santos-Azur, "This was Tatay's first admission pictures at PDMC. Salamat sa Dios sa Doctor niya dito kasi ramdam namin yung lingap ng Dios sa amin dahil sa kaniya. This might flood your feed and will be long. Pero I'm saving and sharing this for future reference na din ng mga anak at pamangkin ko 🙂  And might be helpful to you in anyway."

Dito ay ipinakita niya ang ilang naganap mula sa admission hanggang sa confinement at pagsasagawa ng Thoracentesis sa kanilang ama at sa nakagugulat na dami ng tubig na nakuha mula sa lungs nito.

May mga naka-relate at nakaalala sa kanilang kaanak na dumaan din sa ganoong treatment para maalis ang tubig sa lungs. Nakalulula ang natanggal na likido sa baga.

"Ganyang ganyan din sakit ng tatay ko, tinanggal yung water sa lungs kasi nahihirapan siyang huminga hanggang bumigay din katawan nya mga ilang araw lang sya sa hospital," pagbabahagi ng isang nagkomento.

Samantala, isang larawan ang higit na humaplos sa puso at nakaantig sa mga netizens. Sa katunayan, mahigit 18K ang nag-share nito at mahigit 1,600 ang nagkomento.

Dito ay isinalaysay ni Shirley ang kuwento sa likod ng larawan na iyon kung saan ay makikita ang isang nakaplastic na kasuootan at may nakasulat ditong "Pamburol ko." Kapansin-pansin din ang naka-frame na larawan ng ama.

Aniya, "Yung hahanapan ko ng damit si Tatay para sa hospital tapos eto ung bumungad sakin pag-open ko ng drawer niya. "Hindi ko alam ang feeling ko ng makita ko yan pero naisip ko ang galing ni Tatay kasi naghahanda na siya."

Nagpahayag ng pakikiramay ang marami at hinangaan ang pagiging handa ni Tatay sa huling yugto ng kanyang buhay. Ayon sa ilang netizens, napakaresponsable ng kanilang ama.

"Mahal na mahal kayong tunay ng Tatay ninyo. Ayaw na ayaw niya kayong pag alalahanin."

"So responsible. Tunay n mahal kayo at ayaw nang mahirapan o mamroblema just in case."

Tila naging paalala rin ito na mas mainam na maging handa tayo lalo na siguro kung nasa maselang edad na tayo ng ating buhay. Nabanggit din ng ilan ang kahalagahan ng insurance at memorial plans.

Sa isa pang post ay pinasalamatan ni Shirley ang namayapa nilang ama na si Godofredo Santos na namaalam noong Setyembre 5 sa edad na 71 dahil sa karamdaman.

Nagpasalamat si Shirley sa Diyos sa mga aral na itinuro ng kanilang ama. Dagdag pa niya, "Salamat sa Diyos Tatay Fred Santos. Salamat sa Dios at napakabuti mong Ama sa aming magkakapatid.. Salamat sa Dios sa pagiging maalalahanin, mapagbigay, mabuting tao, at higit sa lahat Pogi!"

Salamat sa pagbabahagi at sa paalalang hatid ng inyong ama.

Eternal rest be unto you, Tatay Fred.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/10/kahandaan-ng-isang-ama-para-sa-huling-yugto-ng-buhay/

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at October 13, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (6)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.