DavaoPlus

Tuesday, 24 October 2023

[New post] Life lesson na natutunan ni Jodi Sta. Maria: ‘Nothing lasts forever’

Site logo image Planet Philippines (Full Attribution Below) posted: " Tunog "nega" man, ipinaliwanag ni Jodi Sta. Maria na "nothing lasts forever" ang life lesson na nais niyang iwan para sa kaniyang anak, at maganda rin umanong paalala sa lahat. Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, inalam muna ng King " Planet Philippines UK

Life lesson na natutunan ni Jodi Sta. Maria: 'Nothing lasts forever'

Planet Philippines (Full Attribution Below)

Oct 24

featured image

Tunog "nega" man, ipinaliwanag ni Jodi Sta. Maria na "nothing lasts forever" ang life lesson na nais niyang iwan para sa kaniyang anak, at maganda rin umanong paalala sa lahat.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, inalam muna ng King of Talk ang kuwento sa likod ng viral video na nakita ang anak ni Jodi na si Thirdy na sumasampa sa bakod.

Ayon kay Jodi, napanood din lang niya ang video at tinanong niya ang anak kung ano ang nangyari at sumampa siya sa bakod.

Si Thirdy ay anak nina Jodi at dati nitong karelasyon na si Pampi Lacson, na asawa na ngayon ng dating aktres na si Iwa Moto.

Ayon kay Jodi, nalaman niya na walang susi sa gate si Thirdy kaya napilitan itong umakyat sa bakod. Pero nagkaroon umano ng iba't ibang reaksyon ang netizens.

Pero pag-amin ng aktres, nag-aalala siya na baka maaksidente ang anak na puwedeng madulas at mabagok.

"Ang concern ko diyan baka mahulog, baka mabagok yung ulo. 'Yon talaga. Hindi yung na post, baka maaksidente," saad ni Jodi.

Kinausap daw niya ang anak at sinabihan na maging maingat.

"Baby you have to be very careful kasi kung biglang nadulas ka diyan ma-hit mo yung head mo sa floor, masakit sa puso 'yon," paalala niya sa anak na turning 18 na.

Dito ay tinanong naman ni Tito Boy kung mayroon na bang ipinakilalang girlfriend si Thirdy sa kaniya.

Sagot ni Jodi, wala pa.

Kaya naman tinanong din ang aktres kung ano kaya na magiging reaksiyon niya kapag may ipinakilalang girlfriend sa kaniya ang anak.

"Haaayyyy!," natatawang sagot ni Jodi.

Pero pag-amin ni Jodi, hindi niya talaga alam ang kaniyang magiging reaksyon pero hindi naman daw puwedeng gawin niya ang ginawa sa mga teleserye na parang kinikilatis ng tingin ang isang tao.

Ayon sa aktres, susuportahan niya lagi ang kaniyang anak sa mga desisyon nito. Ang mahalaga lang daw ay manatiling bukas ang linya ng kanilang komunikasyon.

Nais din niya na laging isipin ng anak ang mga paalala niya pagdating sa pag-ibig.

Isa na rin ang huwag liligawan ang babae kung wala siyang intensyon na pakasalan.

"Love is not a game," giit ni Jodi.

Pagdating sa life lesson na nais niyang iwan sa anak, sinabi ni Jodi ang kaniyang natutunan na, "nothing lasts forever."

Bagaman tunog nega, ipinaliwanag ni Jodi na magandang paalala ito para sa lahat na, "When great days come be grateful, savour the moment because it won't last forever."

At kung dumating naman ang bad days, "Don't fret, be hopeful because it won't last forever, it will pass," sabi pa ng aktres na inayunan ni Tito Boy. -- FRJ, GMA Integrated News  

Comment

Manage your email settings or unsubscribe.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://www.planetphilippinesuk.com/life-lesson-na-natutunan-ni-jodi-sta-maria-nothing-lasts-forever/

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at October 24, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • February 2026 (1)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.