Ano nga ba ang cherimoya? Parang atis ba yan o guyabano? O ang tinatawag na anonas sa bansa?
Iyan ang naging katanungan ng maraming nakakakita ng mga posted na larawan ng cherimoya sa social media. Anong klaseng prutas nga ba ito na hindi pangkaraniwang nakikita sa mga pamilihan gaya ng atis at guyabano kaya naman tila napakarami ng hindi pa ito natitikman?
Sa mga nakatikim naman, super sarap daw nito!
Ang bihirang makita na prutas na cherimoya ay nagmula sa pamilyang Annonov at sa Pilipinas ay tinatawag na anonas (Annona cherimola). Cherimoya o custard apple naman ito sa ibang bansa at may kamahalan ang halaga.
Ang Cherimoya ay katutubong bunga sa Timog Amerika at mayroon nito sa Peru, Bolivia, Colombia at Ecuador. Artipisyal din umano itong nilinang sa Spain,Thailand, Australia, China, Malaysia at Chile.
Ang prutas na ito ay hugis kono (cone) o hugis puso at mayroon ding maliliit at malalaki na umaabot ng hanggang 2 kilos ang bigat. Ang balat nito ay siksik na tila kaliskis ang itsura at kapag binuksan na ito ay malaman, makatas at may mabangong katangian.
Kumusta naman ang lasa?
Kapag nasa tamang kahinugan, napakatamis nito ayon sa mga nakakain na nito. Mayroong mga nagsabi na ang lasa nito ay katulad ng pinagsama-samang pinya, strawberry at saging. Kahit umano si Mark Twain ay isang tagahanga ng cherimoya, at inilarawan pa ito bilang "the most delicious fruit known to man" at "deliciousness itself."
Ang cherimoya ay tinatawag na anonas sa Pilipinas at tumutubo rin naman sa ating bansa. Kahawig ito na atis ngunit walang mga bukol-bukol na balat. Tandaan na hindi puwedeng kainin ang mga buto nito.
Bukod sa napakasarap na lasa, ang cherimoya o anonas ay marami ding benepisyo sa kalusugan ayon sa mga pag-aaral. Nagbibigay ito ng vitamins, minerals, at fiber na mahalaga para magkaroon ng balanseng diet.
Marami pa ring nalilito sa pagkakaiba ng cherimoya/anonas), atis o sugar apple, at guyabano o soursop. Nakaka-curious naman talaga, 'di ba?
Well, ating panoorin ang video ni Garden Florida para sa dagdag kaalaman! Ibinahagi niya ang pagkakaiba ng mga prutas na nabanggit.
No comments:
Post a Comment