Ang repost ng netizen na si Ruth Labadiano kaugnay sa reyaidad na ibinahagi ng aktres na si Janice De Belen ay nag-viral at humakot ng mahigit 5,400 na komento sa Facebook at 32K shares.
Ani Ruth sa kanyang simpleng caption, "Isang reyalidad sa buhay".
Dito ay mababasa ang tinuran ni Janice sa isang panayam ni Bernadette Sembrano sa kanya sa Kapamilya Network.
Aniya, "Spend as much time with your children as you can when they're younger. 'Yang quantity time, hindi totoo 'yan. The quality time has to come in quantity, Because when your children are small, ikaw ang buhay n'yan, ikaw ang mundo n'yan. But the minute they have friends, slowly unti-unti ka nang nagfi-fade sa buhay nila, until you reach a point na you are no longer the most important person in their life."
Libo-libo ang naka-relate sa sinasabing reyalidad na ito, at marami rin ang umaayon sa sinabi ni Janice ngunit hindi nila umano ito magawa dahil kinailangan nilang lumayo sa mga anak para matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito.
Agree .... that's the reality that we parents must accept.... But then continue to be their crying shoulder and their comfort zone every time they'll need us.
It's true Janice, and admire you for spending and giving a quality time to your children. You're greatest mum to them.
Saddest part of getting old... Living alone!!
Sad reality, pero hindi kasi kami mayaman.. at para sa isang ina na walang ibang pagpipilian kundi ang mangibang bayan para matustusan ang pangangailangan ng mga anak. Gustuhin man namin makasama sila oras oras araw2x pero wala eh, ito ang realidad ng buhay..Kailangan mong kumayod at magsakripisyo sa malayo for them and for their future..
Korek kaya habang sa yo pa umiikot ang mundo nala give them everything - time, love and comfort para pag malaki na sila at marami silang problema babalik sila sa yo dahil ikaw ang comfort nila
Mahirap lang kasi kami kailangan naming Iwan Ang mga Bata para lang makaahon araw araw sa mga pangangailangan nila..oo pwede yan sa mga mayayaman, kaming isang kahig Isang tuka magtitiis lumayo.
Yung ibang magulang nga e dami ng anak pagdating ng araw ni isang anak wala din kasama mga nagsipagtrabaho at nagsipag abroadan na...
Lima ang anak ni Janice; isa sa aktor na si Aga Muhllach at apat kay John Estrada.. Kilalanin ang mga ito sa video na ibinahagi ng SamAnne's TV channel via YouTube:
No comments:
Post a Comment