Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya San Jose Del Monte
BIGO kasambahay ang pangasiwaan ng lungsod ng San Jose Del Monte na magsarili at ihiwalay ito sa lalawigan ng Bulacan. Shout out muna kay Ptr. Reimbert Yap. Nagwagi ho kasi ang "no" sa katatapos na plebisito. Kaya naman ho naging syudad ang CSJDM ay dahil sa mga dayo sa relocation site sa Sapang Palay, binubuo ng 50 barangay at hindi dahil sa mga taal na tagaroon. Kalakip naman talaga ng sinasabing kaunlaran ay ang pagtaas ng antas ng pamumuhay mula sa dating payak lamang. Ang cost of living na ang makaaagpang lamang ay mga pamilyang may hanap-buhay, mga nasa middle class. Yung mga nasa laylayan ay mahihirapan, bagama't wala namang masisisi kundi sila-sila rin naman ang nahihirapan. Kabilang sa ikinampanya ng pangasiwaang panlalawigan ng Bulacan sa botong "no" ay mawawalan ng benepisyong scholarship ang mga estudyanteng taga-CSJDM dahil diskwalipikado na sila kung magwawagi ang "yes" vote. Kaya lang ilang mga scholar ang dumaraing, kagalang-galang na gobernador, nakakatatlong semester na raw sila, para sa isang semester pa lamang ang natatanggap nila gayong kinuha na ng mga staff ninyo ang kanilang dokumento at pinalagda na sila ng receipt gayong wala pa ang benepisyong para sa 2 semestre. Sa palagay ko, aginaldo na iyon ni gov. sa kapaskuhang ito.
Gen. Jose Hidalgo Jr ng Police Regional Offi ce 3, patuloy ang pamamayagpag ni gambling lord Rogelio Mistica Jr. sa pagpapasugal sa perya sa Sasmoan, Pampanga. May illegal na sugal din sa perya sa Barangay Tibag, Baliwag City, Bulacan. Pagbati kina Barangay Carillo Chairman Catalino Manalo; Jhane Dela Cruz ng Iba; Orlie Santos ng Mercado; Concepcion Casaje ng Palapat; Froilan Agulto ng Sagrada Familia; Jayson Mendoza ng San Agustin; Ikong Cruz ng San Juan; Josefino Cruz ng San Pascual; Danilo Jumaquio ng San Pedro; Henry Marigsa ng San Sebastian; Macario Faustino Jr. ng Sta. Elena, pawang mga incumbent ho ito, kabilang naman sa mga baguhan sina Empoy Mercado ng Abulalas; Sonia Celso ng Pugad; Estelita Balatbat ng San Isidro; Lito De Leon ng San Jose; Denver Tolentino ng San Miguel; Amor Angeles ng San Nicolas; Mauga Vivas ng San Pablo; Kenneth Bautista Jr. ng San Roque; Frankie Santos ng Sta. Cruz; Titan Medina ng Sta. Monica; Sol Macale ng Sto. Nino; Bert Tamayo ng Sto. Rosario; Laga Cristobal ng Tampok; Michael Aniag ng Tibaguin; at Maximo Quiroz ng Iba-ibayo, pawang ng Hagonoy, Bulacan. Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment