| iskup2015 Nov 6 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedya ni Johnny Walker sa ere, winakasan PAKIKIDALAMHATI sa karumal-dumal na pagpaslang kay Johnny Walker Jumalon ng Gold FM 94.7, 'magang 'maga kasambahay nang ito ay barilin sa mismong kanyang tahanan sa Calamba, Misamis Occidental. Shout out muna kay Barangay Binang First Bocaue, Bulacan chairman elect Alfredo Quiambao, "walang problema" anya sa aking pag-hahayag ng pagsuporta at pag-aambag mula sa anumang aking magagawa sa kanyang pangasiwaan. Si Jumalon ang ikaapat na biktima ng karahasan sa hanay ng mga mamamahayag mula nang umupo sa poder ng kapangyarihan si President Ferdinand Marcos Jr. Muli hanggang doon na lang marahil ang kanyang buhay bagama't mapait ang pamamaraan ng kanyang paglisan. Kaya Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal ingat lang. Hindi raw ho pwedeng "sky is the limit" ng hirit na confidential at intelligence funds ng president. Mantakin nyo namang P2.31 billion ang intelligence fund at P2.25 billion naman ang confidential fund na hiling ni FMJ, maraming tuyo, daing at tinapa iyon. Maligayang kaarawan Jo Ephraim Lopez. Tapos na ho ang bakasyon ng mga senador at kongresista, trabaho na naman sila. Tapos na ho ang palugit na Nobyembre 4 sa pagtatanggal ng campaign poster sa mga kalye pero nakasabit pa rin ang mga ito, kapag naminsan kayo, sabihin nyo pinersonal kayo. Parating ho sa bansa ang presidente ng Timor-Leste, isusuko kaya ang puganteng si Arnolfo Teves, maghahalalan sa Negros ng kapalit nito. Nagtatawaran ho ang Pinas at India sa 7 helicopter, bigay ba ito o bibilhin? Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com. | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment