Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya ni Johnny Walker 2
INANGGULUHAN sa apat ng mga imbestigador ang pagpaslang kay Misamis Occidentel broadcaster Johnny Walker. Shout out muna kay Pastor Reimbert Yap. Kabilang sa mga anggulo kasambahay ang katatapos na halalan o pulitika, may kinalaman sa kanyang pagsasahimpapawid ng programa at kaso sa korte hinggil sa lupa. May larawan na ring opisyal na ikinakalat ang pinaghihinalaan. Ang kasawian ni Jumalon ay panibagong katibayang lumalala ang sitwasyon sa Pilipinas sa hanay nating mga mamamahayag. Ika-16 taon na ngayon batay sa pagtugaygay ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na pirming nasa talaan ng mga bansang nakagagala pa sa lansangan ang mga salarin ng mga media practitioner. Ika 6 pa nga ng Pinas sa "Global Impunity Index", kasunod ng Haiti batay sa bilang ng mga kasong nakatengga, iba pa ay Somalia, Iraq, Mexico, Pakistan at India.
Mula sa 14 murder ng journalist sa bansa ay 20 na kabilang ang mga biktimang sina Renato Blanco ng Negros Oriental noong Sept. 18, 2022; Percy Mabasa ng Las PiƱas noong Oct. 3, 2022, and Cris Bundoquin ng Oriental Mindoro noong Mayo 31, 2023.
Virgilio Maganes ng Pangasinan noong Nov. 10, 2020; Orlando Dinoy ng Davao del Sur noong Oct. 30, 2021; Audrey Estrada ng Lanao del Norte noong March 17, 2022, at Federico Gempesaw ng Cagayan de Oro noong June 29, 2022.
Freelance photographer Mario Sy, ng General Santos City noong Aug. 1, 2013.
"Philippines remains dangerous place to work as reporter, especially for radio journalists," anang CPJ. Batay naman sa National Union of Journalists of the Philippines , 23 media workers ang itinumba noong nakaraang administrasyon at 3 ngayong kasalukuyang pangasiwaan. Kahindikhindik na Maguindanao massacre ,ikaw Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, hindi k aba natatakot? Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment