| iskup2015 Nov 4 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komidang barangay 2 PAGBATI muli at mabuhay, Barangay Binang First Chairman Elect Alfredo Quiambao. Personal kong tinunguhan si Capt sa kanyang tahanan, courtesy visit ika nga at inihayag ko ang aking suporta sa kanyang pangasiwaan. Nagpasalamat naman ang butihing punong barangay, shout out muna kay Antonio Eustaquio. ipinalangin ko muna si Capt bago kami lumisan. Kasambahay, ang kapirasong lupang mana nina Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal mula sa yumao niyang mga magulang ay hindi nang mga ito nagawang patituluhan kaya lumalabas na problema pa ang ipinasa sa kanilang dosenang magkakapatid. Ang tanging katibayan ng pag-aari ay "Tax Declaration" o oja. Limang magkakapatid sina Kiwal na pare-parehong tagapagmana ng lupang may "right to possessed". Nagawang patituluhan ng apat na magkakapatid ang lupaing nasa dalawang libong metro kuwadrado lingid sa kaalaman ng kawawang si Kiwal kaya hinahabol niya ang kanyang karapatan sa alalay ng Komedya. Ipinahiram ni Kiwal sa kanyang kaibigan ang barena upang ipanghanap- buhay. Nang kukunin na niya ay ikinaila ng kaibigang nanghiram ito. Hindi sinasadyang minsan ay nakita ni Kiwal ang kanyang barenang gamit ng kaibigan at nang kanyang ungkatin ay inangkin na nito. Pinag-interesan na ang tools kaya inereklamo ni Kiwal nang "qualified theft", 30k ho ang piyansa ng ganoong kaso sa korte. Sinuman hong nagtangkang hadlangan ang proklamasyon ng nagwaging kandidato ay papananagutin ng comelec. Kung duda sa resulta ng halalan, kailangang magreklamo nang pormal upang mabuksan ang hurna sa halip na magtutungayaw sa protesta. 256 hong nagwaging kandidato ang hindi ipinroklama ng comelec dahil sa kasong diskwalipikasyon. Kung kapitan ang akusado, hihiranging kapitan ang kagawad na may pinakamaraming boto at maaangat ang ikawalong kagawad. Pagbati kay fishing tycoon Francisco Tiu Laurel Jr.,nahirang na secretary of agriculture, mabuhay kayo. Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Pastor Saturnino Abraham, agarin mo naman ang dokumento ng lupa para sa pabahay ng mga Badjao sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problem aba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com. | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment