| iskup2015 Dec 13 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedya sa timog dagat tsina 2 KOMEDYA namang talaga itong naganap sa byahe ng pamasko sa mga residente ng mga isla sa timog dagat tsina. Shout out muna kina Barangay Binang First, Bocaue, Bulacan Secretary Michelle Santos, treasurer Eunice Adato, staff Jeycel Salgado, Mayline Cataylo, Barangay tanod chief Danilo San Juan, liasson officer Reynaldo De Guzman. Lulan ng barkong M/V Kapitan Felix Oca, naglayag ang mga samahang sibiko patungong Ayungin Shoal upang pamaskuhan ang mga residente ng Ayungin, Patag at Lawak. Maalala mo Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal ilang dekada na rin ang nakararaan, nagmarka si running catholic priest Robert Reyes, nagmisa ito sa paglalayag ng convoy. Namataan ni Oca captain Jorge Dela Cruz ang paggiri ng mga barkong tsino sa kanilang hanay, parang mga baliw na hindi pansin ang panganib sa dagat, pinagsalikupan ang tropa. Syempre sagutin sila ni kapitan, mahigit 100 pasahero, balik sila sa El Nido, Palawan. Pinamamatyagan kasambahay ng senado si appointed son of god Appolo Carreon Quiboloy at baka makatakas pa. hindi ka na pala lalayo Kiwal, dito sa Pinas pwede nang iihaw itong best friend mo sa mga pang-aabuso sa mga batang paslit. May reklamo pala itong child abuse noon pang 2019. Sobra ang tiwala sa sariling malulusutan niya ang sabit niya. Sige Juan Miguel Zubiri, go go go. Halungkatin ang baho ng damuho. Values Bocaue, magkita-kita tayo sa tipar sa Sabado. Shout out din muna kay Bea Caalim. Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problema ba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com. | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment