Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedyanteng mga tanod
SA lahat naman ng tao sa Las Piñas City, barangay tanod pa ang lumalabas na ignoranteng may closed circuit camera sa pinagtapunan nila ng labi ng kinikilala pa ring pinaslang na biktima. Shout out muna Sagguniang Barangay Binang First Bocaue, Bulacan member Alexander Malvar, Michelle Bautista, Mark Del Rosario, Esperanza Benedicto, Rorielou Cando, Acemond Pineda, Pablo De Guzman, Sangguniang Kabataan Chairperson Rachel Bianca Cruz. Mabubulok nang malamang sa piitan ang naturang mga barangay tanod dahil kinasuhan ng "murder", "unbailable offense" ito Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal. Mga barangay captain, pakapiliin nyo naman ang kukuning baaraangay tanod, hindi basta walang ginagawang tambay ay pwede na. Baka naman may pwedeng pakinabangan mula sa dating administrasyon, tsaka na ang pulitika, serbisyo muna. Kumusta ho ang hilatsa ng pagmumukha ng mga tanod, baka ni hindi makuhang maligo, mahaba ang buhok na
hindi man lang din ayusin, mahahaba at maruruming kuko, gula-gulanit ang pantalon at t-shirt, minsan naka-short lang ,personalidad naman. Harap-harapang naninigarilyo, kaunting asal naman. Baka ni hindi makabasa at makasulat. Kailangang nakaiintindi naman, magkakalat lang ang mga iyan kung hindi. Magkita-kita tayo mga Marked Men
for Christ facilitators sa petsa 26, phase 2 seminar at phase 1 sa Baguio City, Febrero 21-23, maghanda-handa na tayo. Pagbati kay Police Major Genderal Joel Pagdilao, sinibak sa serbisyo noong 2017 pero inabswelto ng korte de apelasyon, makaraan ang 6 taon, sayang ang career nito. Yung mga tolonges na pulis, protector ni gambling lord Rogelio Mistica Jr., namamayagpag sa pwesto. Alam ni Kiwal may 2 sugalan ka, magkaaway kamo tayo, totoo naman, kaya nga hindi ka makatuntong sa Metromanila 'di ba, kayong dalawa ni Marissa? Hindi na makapag-eere ang mga kampon ni Apollo ngayon,a-kwatro ng Enero, hindi kumilos ang CA e, malamang makaraan din ang 5 taon mananaog ang desisyon. Welcome to the Philippines Mr. and Mrs. Thomas Capica. Ididiskwento ng Meralco nang hanggang syento porsyento sa singil sa koryente ang mga benepisyaryo ng 4ps. Kwalipikadong aplikante ay kailangang hindi kumukunsumo ng 100 kw.hr. DSWD, huwag naman nyong pahirapan mga aplikante. Dalawang buwan na lang at Marked Men for Christ sa Baguio na. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problema ba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment