Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya kalsada
IPINABABASURA kasambahay ng mga transport group ang palugit sa public utility vehicle modernization program. Pagbubunyi muna't pakikiramay sa pamilya Garin, naulila ng Pilipinong sundalong Israeli Sgt. First Class Cydrick Garin. Shout out muna kay Bocaue Police chief Lt. Col. Manuel De Vera, salamat sa seminar ninyo sa Binang 1st Katarungang Pambarangay. Hi to Kagawad Pablo De Guzman, Ezperanza Benedicto, Michelle Bautista, Rorielou Cando, Acemond Pineda, Mark Del Rosario, Alexander Malvar at Chairman Alfredo Quiambao, Administrator Ricardo Sta. Ana. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, Lulusot na naman itong kakarag-karag na jeepney na magpatuloy sa paghahari sa kalye. Istayl nyo bulok, palitan na. kabi lang si Garin sa mga kawal Israel na nadaganan ng bumagsak na gusali sa pambobomba ng teroristang Hamas. Tubong San Mateo, Rizal, ginugol ni Garin ang buong buhay nitong 23 anyos sa Israel. Isnabin ba naman ni "god's appointed son" Apollo Quiboloy ang paanyaya ni Sen. Risa Hontiveros e, hindi naman ito titigil hanggang hindi napapaupo sa lupon si 'Buloy Mabuti pa "anak ng dios" magpaunlak ka na kaysa makulong ka pa. Tatlo ho ang saksi laban kay 'Buloy na nakaniig daw nito nang napilitan. Kundi ba naman kulto yang itinatag mo e, labag sa banal na sulat ang espikikas na illegal a, lalo namang labag ang mamilit. Pangingikil ay sapilitang panghihinging labag sa loob ninumang mayroon man o walang ginagawang hindi tama. Amicable settlement ay paglalambing sa naaping hanay kapalit ng halaga ng salapi o anumang mungkahi ng nang-aping hanay. Dito ay sinisilaw ang pwedeng maghabol nang nakaaakit na halagang hindi niya mapahihindian. Patawarin ka Tata. Kinakastigo pa rin sa korte itong Marco Polo Hotel-Ortigas at Goldilocks sa hindi tamang pagpapatupad sa benepisyo ni lolo. Itong Sogo Hotel, napakaraming promo pero, huwag nyong itangging ang promong yan ay sa inyong kapakanan, kaya dapat pa ring idagdag ang batas sa mga lolo. Sya nga pala Kiwal, hindi napapansin pero kasama dapat sa diskwento ang pamasahe sa tricycle, barya lang nga yan pero malaking bagay kay lolo ang barya, hindi na nga makapagpangipin dahil pati barya, simot. Nasa 300 ruta kasambahay ang ilegal mula aprimero ng Pebrero, buwan ng pag-inig Kiwal. ito raw 313 ruta sa kalakhang Maynilsa ay hindi "consolidated" kaya batay sa modernisasyon ay magiging ilegal. Hindi nagbibiro si Tata Pilo na kulorum ang mga pasaway na hindi tumalima sa patakaran. 238 ruta daw ang mabubuting batang sumunod, 306 ruta ang may 60% sumunod. Karamihan naman dawn g kulorum ay nasa secondary route at halos walang problema sa mga pangunahing lansangan. Pero marami ring pasahero ang secondary route gaya ng Quezon Avenue-Magsaysay Bvd., Novaliches-Camarir, pritil-Rizal Avenue, kumusta kaya ang mga ito? 30k traditional jeepney raw ang kulorum sa buong bansa, gutom ang mga ito, ilan pa rito ang dalawa kinakasama. 76.6% raw naming tagumpay ang konsolidasyon. Sa mga pasahero, isasakay raw naman kayo nang libre ni Mayor Joy. kasambahay, pakiramdaman ninyo, baka may pabahay dyan sa lugar ninyo, pakinabangan ninyo. Magkita-kita tayo mga Marked Men for Christ facilitators sa petsa 26, phase 2 seminar at phase 1 sa Baguio City, Febrero 21-23, maghanda-handa na tayo. Kung nais nyong makarating sa korea sa Abril mayroong orientation sa jan 11 8am to 4pm sa GFWC , Plaridel, Bulacan,may food registration 150 pesos Sagot ng Korea accomodation and food, Bale 12 days po tayo don kung makasama tayo. Kapag nabigyan na tayo ng invitation ay visa at airfare balikan ,para poi to sa lahat ng church leaders ,pastor at wives, pators kids at young people leaders. Von voyage Thomas and Aida Capica. Ididiskwento ng Meralco nang hanggang syento porsyento sa singil sa koryente ang mga benepisyaryo ng 4ps. Kwalipikadong aplikante ay kailangang hindi kumukunsumo ng 100 kw.hr. DSWD, huwag naman nyong pahirapan mga aplikante. Dalawang buwan na lang at Marked Men for Christ sa Baguio na. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problema ba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment