| iskup2015 January 30 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedyanteng Doc Nano KOMEDYANTE rin itong si Doctor Nano, hindi na nagkasya sa sinusweldo bilang "consultant" ng gobyerno, nagmu-moonlighting pa. Shout out muna kina Bishops Oliver Mutuc, Florante Rola, may bago na naman tayong mga staff sa Marked Men for Christ Philippines, pag-igihan nyo. Sinuman Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal na nagtapos ng medisina ay nagsisimula sa "intern" makaraang makapasa sa physician's board exam, nagiging resident doctor at "consultant" hanggang magretiro sa panggagamot. Maaaring mali ako pero 50k ang sweldo ng government medical consultant. Mga pasyente, tiyakin ninyong charity patient kayo sa ospital ng pamahalaan dahil may pay patient din doon. At hindi kayo tatanungin kung alin sa dalawa ang kategorya mo. Natuklasan ni Dr. Nano na ang masakit na nadarama ni Lolo Ambo ay prostitis at lingid sa pasyente, hindi sya charity patient. Pinaghahanda ni Nano ng 20k ang matanda para operasyon. Hindi tatanggapin sa ospital ang matanda kung walang sapat na datung. Walang masulingan ang pamilya ni Ambo kundi 5-6. Maging malasakit ni Bong Go ay walang magawa sa kalagayan ni Ambo. Hindi bale Lolo, mahalagang gumaling kayo. Kasambahay, walang tala ang PDEA na lista si FMJ, kahit pa noong panahon ni Digong, paano ngayon yan, demolition job na naman? Antabayan si "Glen Reveals" sa Iskup. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment