| iskup2015 January 30 | "Janno Gibbs, Emosyonal sa kanyang Pelikula" Imbes na tumawa at maging masaya itong si Janno Gibbs sa kanyang latest directorial film na pinagbidahan ng mag amang janno at ronaldo valdez ay naging dramahan tuloy ang resulta dahil nga naman sa ito na yung huling makita ang beteranong karakter aktor na ang ama nga ni Janno na si ka Ronaldo Valdez na kamakailan lang ay namayapa.Mas inabangan at ito pa ang pinalakpakan ng mga nanuod sa kanilang Itutumba ka ng Tatay ko grand red carpet premier night sa isang mall grabe ang suporta sa nagmamahal kay Janno Gibbs halos lahat ng naging viva artist na action at comedy king ay present sa naturang film debut ng naturang singer na naging kaibigan at kapamilya na din ng singer aktor katulad ni senator robin padilla,Andrew E. former mayor ng qc na si Herbert Bautista at Dennis Padilla na all out ang support sa mag amang gibbs/valdez kaya punong puno ang buong sinehan at take note di naman binigo ni janno ang mga faneys dahil sobrang pulido at solid na solid ang atake nito sa pagpatawa kaya yung mga nanuod ay hagalpak ang tawa at kuhang kuha ang kiliti ng mga ito sa mga klasiks na jokes ni janno na pinagsamang fpj,eddie garcia at iba pang namayapang icons sa industriya ng showbiz parang tribute na niya ito sa mga naunang artistang nagmarka sa industriya kaya emosyonal ang mga nanuod dahil naalala nila ang golden days ng philippine showbiz era.Kahit di na maibalik yung nakaraan at least dito sa itutumba ka ng tatay mo ay sulit ang ibabayad ng mga parokyano na mahilig sa ganitong palabas epektibo ang mga jokes na pedeng i apply sa mga millenials lalo na ang tema nitong bullying na madami na ang naging biktima ng kabataan kaya malaking bagay ito sa mga mag aaral at magulang na itama ang ugaling di kaaya aya sa mata ng bawat isa kung gusto nyong matuwa at umuwing nakangiti sa ulap ay panuorin nyo ang handog ng viva films na walang halong kabastusan kundi pang wholesome for all family. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment