iskup2015 posted: " Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedyanteng Costa KASAMBAHAY, dahan-dahan nang pagpapel sa "medya sosyal", baka ma-acosta kayo. Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at ang" | iskup2015 February 29 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedyanteng Costa KASAMBAHAY, dahan-dahan nang pagpapel sa "medya sosyal", baka ma-acosta kayo. Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at ang destinado sa Turo,Police Lt. Col. Manuel De Vera sa proyekto nitong "ronda". Sinisingil ng Korte Suprema si PAO chief Persida Acosta ng P180,000 dahil sa maling posting sa facebook. Nilabag dawn i Percy ang Sections 2 at 14, Canon II Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA), pagpipiutagan sa hukuman. Kung mayroon nga raw protesta sa anumang inisyu ng korte, ideretso na sa kinauukulang porum. Lumalabas nga naman kasing malisyoso kapag itsinismis sa FB. Kung yung hindi lamang abogado, hepe pa ng pao, natrisyon ang simpleng mamamayan pa kaya. Kaya Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, dahan-dahan sa fb, x, at iba pa. Komedyante rin talaga itong "hirang na anak ng dios" Apollo Quiboloy, may banta raw sa kanyang buhay. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 1 seminar sa Asia Pacific Theological Seminary, Baguio City. Itakda na agad-agad ang phase 2 Bishops Dante Agustin, Oliver Mutuc, Daniel Osorio. Hinihintay kasambahay ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang hirit ekstradisyon ni Uncle Sam laban kay Puloy. Mayroon kasing usapang ekstradisyon kapwa ang Pinas at Tate na ibibiyahe sa mga ito ang kanikanilang tugis-kriminal. Sandal Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, 'di pa naman sentensyado si Puloy kaya 'di pa kriminal. Ang hiling sa ulo ni Puloy ay tatanggapin muna ng DFA at ipapasa sa DOJ, aarestuhin ang nagtatagong Puloy at ibibigay sa kano. Sikat itong si Puloy, nasa US wanted list, saan ka pa. 'Di ba anak ka ng dios Puloy, bakit kerbiyos ka sa takot, 'di ba gwardyado ka ng anghel? Pati katawagang pastor, sini…,ayoko-ayoko Kiwal, high blood na naman ako. Puloy, kung gusto ni kano na itumba ka, matagal n asana. Wala hong Bureau of Immigration Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO),lalo na hold departure order si Puloy. Si puloy ay nahaharap sa mga kasong panggagahasa at cyberlibel sa Pinas. May seminar din tayo ng One Hope sa Sabado, magkita-kita tayo. Get well soon Maria Luisa Soriano ng Bagong Bansang Maharlika. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment